PODCAST · education
Life Talk (Tagalog version)
by Rachel Dea
Life Talk (Tagalog Version) ay isang podcast para sa mga Pilipino na nakararanas ng mental illness, problema sa pag-ibig o problema man sa buhay. Narito ang Life Talk para tulungan kang baguhin ang mindset mo into POSITIVE. ⏩ FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/rachelrachel.dea⏩ INSTAGRAM: @_morenafuego
Episodes
-
To live is to create. Never stop creating
If you feel na kahit buhay ka pa ay parang patay ka na, maybe because you keep on consuming and you forget to create. Life is all about creation and transformation. Math is everywhere, Science is everywhere, but so is art. Ang sining ay may iba't ibang uri, and sometimes you have to think "Is…
more -
Whatever your heart desires, believe
Nagduda ka na ba sa mga bagay na naiisip o nais mong mangyari? Para man ito sa buong mundo, sa ibang tao, o sa sarili mo, kahit anong aspeto, maniwala ka. In this episode, help yourself realize that you are capable when you believe. Kahit ano man yang nais mo, maniwala ka. Hindi mo malalaman kung...
-
'Wag mong ikumpara ang lakas mo sa iba
In this episode, let’s talk about Strength. Have you ever wondered what is the strongest muscle in your body? Sa episode na ito pag usapan natin ang iba’t ibang klaseng lakas, at ang iba’t ibang klase ng muscle na mayroon tayo. May kanya kanyang purpose at function ang ating mga muscle, ganoon…
more -
Know your limits, Know your worth - Para sa mga taong naloko at nanloko
In this episode, let's talk about cheating. Kung asa punto ka ng buhay mo na gulong gulo ka na at hindi alam ang gagawin na desisyon, learn to pause and reflect for a while. Focus and try to listen to yourself. Sa oras na ito, sarili mo naman na muna ang iyong isipin. Alam mo kung ano ang…
more -
Posible bang tuluyang mawala ang trauma? Ano ba ang PTSD?
Posible bang mawala ang trauma? At ano nga ba ang PTSD? Posible bang nakakaranas ka nito nang hindi mo namamalayan? Sa episode na ito pag-uusapan natin kung ano ang Post-Traumatic Stress-Disorder, ano ang nagagawa nito sa isang tao, paano ito dedevelop, at mga paraan kung paano ito ma-handle nang...
-
Hangga't meron kang Boses, gamitin mo - May Mahalaga kang Boses dito sa Mundo
In this episode pag-uusapan natin ang lesson na nakuha ko sa isang event na pinuntahan ko. Nakuha ko itong lesson na ito mula sa nag iisang "Joyce Pring" and now I want to share it to all of you! Pag-uusapan natin kung bakit importante ang "boses" at bakit importanteng magsalita. Kung gaano...
-
Be Aware of your Habits - How do Habits work? How to control it? - w/ my classmates (school project)
In this episode, pag-uusapan natin kung bakit importanteng maging aware tayo sa mga habits na meron tayo o sa mga hindi natin alam na meron tayo. In this episode, let's talk about how habits work and paano nga ba puwedeng ma-kontrol ang habits natin. The reason why I wanted to talk about this is...
-
5 Ways to Handle your Stress (english version) w/ my classmates
In this episode, pag-uusapan natin ang iba’t-ibang paraan para i-handle ang stress mo. This was for our school project, so I apologise kung english version siya pero andito sa tagalog version ko. In this episode, I was able to talk to my fellow classmates about this topic and they have shared…
more -
4 na paraan na makakatulong sa iyong mag HEAL sa emotional pain
ARE YOU IN PAIN RIGHT NOW? Paano nga ba mag heal from emotional pain? Huwag na huwag mong tatakbuhan, because the more you run from it, the more you become closer to it. Kaya’t sa episode na ito, nagbigay ako ng simpleng steps na kahit papano ay makakatulong sa iyo, ngunit pagkatatandaan ang…
more -
Ano ang dapat tandaan kung minamaliit ka ng ibang tao?
Minamaliit ka ba ng mga tao? Minamaliit lang ba nila yung mga “bagay” na nagawa mo? Dahil dito, minamaliit mo na rin ang sarili mo dahil sa kanila. Ngunit, maling mali ito. ‘Wag mo nang maliitin ang sarili ko kung minamaliit ka na ng mga tao dahil mas lalo lamang maapektuhan nito ang sarili mo....
-
Pinaka importanteng bagay na dapat meron ka sa lahat ng ginagawa mo
May nais ka bang makamit? Kadalasan sa atin, ay ninanais lamang yung “bagay” na mismong kinakailangan natin. Kaya’t hindi natin nakikita yung isa pang “bagay” na dapat mayroon tayo, upang makuha natin yung “bagay” na hinihiling natin. Kadalasan, hindi mo narerealize na ito ay kagustuhan mo lamang...
-
Bakit mas lalong lalala ang mental illness mo kung patuloy itong gagawin - aware ka ba?
Ano yung mga bagay na HULI mong iniisip BAGO mo ipikit ang mga mata mo para matulog sa gabi? Maging aware ka dito, dahil labis ka nitong maiimpluwensiyahan. Sa episode na ito, nagbigay ako ng “technique” para kahit papano makontrol mo yung mga “biglaang negatibong bagay” na pumapasok sa isipan…
more -
Ayos lang ba maghabol kapag iniwan na? Ano ba ang tamang paraan?
Minsan ba nagtaka ka na kung bakit lahat na lang ng tao, iniiwan ka? Sapagkat hindi natin namamalayan na ginagawa natin ito sa maling paraan. Kapag gusto natin ang isang tao, gagawin natin ang lahat para lamang sila ay manatili. Mahilig tayong magpumilit sa ating mga kagustuhan. Kapag tayo ay...
-
Bagay na magandang tandaan kapag ramdam mong ang gulo gulo na ng buhay mo
Kapag ramdam nating magulo ang buhay natin, dinadamay na rin natin ang mga sarili natin. Mga linyahang “My life is messed up” pwedeng mag turn into “I am a mess”. At sa tuwing nakakaramdam tayo ng ganitong bagay, pakiramdam natin wala nang magagawa tama, wala nang pupuntahan. Sapagkat ang...
-
Paano nga ba magmahal at tumulong sa tamang paraan? | BAKA ISA KANG GRIPO
Isa ka bang gripo kung magmahal? Kadalasan sa atin, ay madali ma “attach” kaya’t kapag tayo ay na-attach sa isang tao, labis na mamahalin natin iyon, na handa tayong gawin ang lahat para sa taong iyon. Ngunit, hindi natin nararamdaman na nawawala na pala natin ang sarili natin sa sobrang…
more -
Itapon mo na yang patay na bulaklak na hawak mo - Let go mo na, umaasa ka pa kasi eh.
Hanggang ngayon ba dala dala mo pa rin ang mga patay na bulaklak sa buhay mo? Ang patay na bulaklak na aking tinutukoy ay ang mga bagay o tao na hindi mo pa mabitawan sa buhay mo. Umaasa ka pa rin kahit alam mo sa sarili mong tapos na at wala nang magagawa pa. Madalas tayong umaasa na MABUBUHAY…
more -
Magandang bagay na dapat tandaan na makakatulong sa paggawa ng desisyon
Nakagawa ka na ba ng desisyon dati na sobra kang naapektuhan at sinisi mo ang sarili mo? Kadalasan ngayon, lalo na sa mga kabataan, ay dumedepende ang desisyon sa current emotions. Kaya mas nagkakaroon ng problema, o mas nagiging malala pa ang sitwasyon na mayroon ka. Kaya sa episode na ito,...
-
Rason kung bakit hindi mo maramdaman ang liwanag (positivity)
Minsan ba nagtaka ka na sa sarili mo kung bakit hindi mo maramdaman yung effect kahit nagbibigay ng positibong advice ang mga mahal mo sa buhay? Na para bang nakikinig ka lang sa moment na yun pero lalabas rin sa tenga mo kasi di mo maramdaman sa mundo mo. Bakit? Kasi iba pa ang mundo mo, nasa...
-
Maging ikaw yung PAGBABAGO na ninanais mo
Sa tuwing tayo ay nasasaktan, madalas tayong humiling ng pagbabago sa mundo natin. Ngunit, mali ito. Ang pagbabago na kailangan natin, ay para sa pansarili muna at hindi para sa ibang bagay, o tao. Maging ikaw yung pagbabago na ninanais mo, dahil lahat ng bagay sa labas ng mundo mo ay magbabago...
-
Maging totoo ka, ‘wag mong i-deny
Totoo ka ba? Paano mo nga ba i-trato ang sarili mo? Importante kasing aware tayo kung paano natin tratuhin ang sarili natin. Dahil, madalas tayong mag-deny sa mga pangangailangan para sa sa sarili natin. Madalas nating i-prioritize ang ibang bagay o tao kesa sa sarili natin. Pero, sa paraan ng...
-
Iniwan pa rin kahit ginawa ang lahat | Hindi sila handa sa offer mo
Ano ba ang madalas mong maramdaman kapag hindi nila gusto ang offer mo? Madalas nating sisihin ang sarili natin, lalo na kapag iniiwan tayo ng mga tao sa buhay natin. Pero ang totoo, hindi mo na kasalanan yung ginawa nilang desisyon kung gumawa ka naman ng aksyon. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩...
-
Dalawang (2) paraan para mabawasan ang pagkukumpara ng sarili sa ibang tao
Madalas sating mga tao, lalong lalo na sa mga kabataan, kinukumpara natin ang sarili sa ibang tao. Mapababae man o lalake, bata man o matanda, lahat tayo kinukumpara ang sarili. Dahil ang “comparison” ay walang gender gender, walang age age. Lahat nakakaranas neto. Kaya sa epeisod na ito…
more -
Mahalin mo ang proseso kesa sa resulta
Ano ang madalas mong maramdaman sa journey mo o sa mga bagay na ginagawa mo sa buhay mo? Kadalasan kasi, ayaw natin ng mga problema, ng failure, ng paghihintay at yung roller coaster game. Pero sa buhay natin mas marami ang patungong pababa kesa sa patungong pataas, at yun ang kinatatakutan ng...
-
Bakit hindi pa NGAYON? Kalimutan mo na yang New Year’s Resolution
Ano nga bang sinasabi mo sa tuwing mag nabagong taon? O paano ka nga ba mag set ng goals para sa sarili mo? Kadalasan kasi, nagsasaya ng tayo ng oras nang hindi natin namamalayan. Walang mali sa pag look forward sa susunod na panahon. Pero kung mahilig ka mangako sa sarili mo para sa susunod na...
-
Pinakamagandang paraan para feel mo ang best life
Ano bang mararamdaman mo kung malaman mong last day mo na ngayon at bukas mamamatay ka na? Ang kadalasang reaksyon natin ay syempre, negatibo. Pero matutulungan tayo nito para pahalagahan ang bawat araw na meron tayo. Para feel mo na you’re living your best life, tratuhin mo yung bawat araw mo na...
-
Bagay na importanteng gawin natin
Nagkaroon ka na ba ng pagkakataon na pasalamatan ang sarili mo gaya ng pagpapasalamat mo sa ibang tao? Madalas kasi tayong magpasalamat sa ibang tao pero hindi natin nagagawa sa sarili natin. Walang mali sa pagpapasalamat sa kanila, pero ‘wag mo kalimutan ang sarili mo. Ito ang kailangan nating...
-
Instagram sa totoong buhay | Ano na nga ba itsura ng instagram sa totong buhay mo?
Mahilig ka ba mag-instagram? Kumusta ang instagram mo sa totoong buhay? Kung titignan mo ang iyong feed, inspired ka ba? Ang feed ay nagrerepresenta ng mga bagay o tao na meron ka sa buhay mo. Madalas kasi sating mga kabataan, nakararanas ng depression at dahil roon, madalas tayong magpasok ng…
more
We're indexing this podcast's transcripts for the first time — this can take a minute or two. We'll show results as soon as they're ready.
No matches for "" in this podcast's transcripts.
Loading reviews...
ABOUT THIS SHOW
Life Talk (Tagalog Version) ay isang podcast para sa mga Pilipino na nakararanas ng mental illness, problema sa pag-ibig o problema man sa buhay. Narito ang Life Talk para tulungan kang baguhin ang mindset mo into POSITIVE. ⏩ FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/rachelrachel.dea⏩ INSTAGRAM: @_morenafuego
HOSTED BY
Rachel Dea
CATEGORIES
Loading similar podcasts...