PODCAST · fiction
Panaghoy: Mga Kwentong Kababalaghang Nakaukit Sa Kasaysayan
by PodHub
Ang Panaghoy ay isang koleksyon ng mga kuwentong kababalaghan mula sa iba't ibang trahedyang nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas. Mula sa mga makasaysayang lugar at pangyayari, kikilabutan ka sa mga horror stories na likha ng kathang-isip.Samahan si Camille Peng sa pagtuklas ng mga Panaghoy ng nakaraan. Abangan ang mga bagong episode tuwing Biyernes, 6:00PM.
-
19
Panaghoy Special Episode with Conyo Bicolano
Mula sa mga makasaysayang gusali hanggang sa mga hindi maipaliwanag na karanasan, balikan ang ilan sa mga kwentong ating tinalakay dito sa Panaghoy. Kasama si Camille Peng at Conyo Bicolano, pakinggan ang kanilang kwentuhan tungkol sa kanilang nakakakilabot na karanasan sa probinsya.
-
18
MGA KALULUWA SA SAN JUANICO BRIDGE | Panaghoy | A Horror Story
Matagal nang mangingisda sa may isalim ng San Juanico Bridge si ---. Isang araw, iniregalo niya sa kaniyang anak ang tsinelas na natagpuan niya malapit dito. Ngunit ito ang magiging mitsa ng kamalasan sa kanilang buhay.
-
17
MISTERYOSONG LAKBAY-ARAL SA MANILA CITY HALL | Panaghoy | A Horror Story
Nang magpunta si Angelica sa Manila City Hall para sa isang lakbay aral, kakaibang elemento ang kaniyang nakita. Ito ang naging dahilan ng pagpasa niya ng isang liham sa mga kinauukulan.
-
16
GHOST BRIDE NG SAN AGUSTIN CHURCH | Panaghoy | A Horror Story
Matagal nang pangarap ni Clara na maikasal sa San Agustin Church. Bukod sa mayaman nitong kasaysayan, dito rin nawala ang kanyang ina na hindi na naikasal pa sa kanyang ama. May isang misteryosong babae na pipigil sa kaniyang makamit ang panghabang buhay na kaligayahan.
-
15
VILLALON MANSION, ANG MANSION SA BUROL | Panaghoy | A Horror Story
Kilala ang Villalon Mansion bilang isang mansion sa Cebu na nakalagak sa ibabaw ng burol. Kaya't nang may mag-alok kay Lara na magtrabaho dito, agad n'ya itong tinanggap. Ngunit sa kabila ng maganda at magarbo nitong itsura, may kababalaghang nagtatago rito.
-
14
KAIBIGAN SA PACO PARK | Panaghoy | A Horror Story
Nagkukubli sa likod ng mga pader ng Paco Park ang kwento ni Yana, isang grade 9 student na madalas magpunta sa parke. Ngunit may nakakikilabot na dahilan sa kaniyang pamamalagi dito.
-
13
NAIWANG KALULUWA SA HERITAGE HOTEL | Panaghoy | A Horror Story
Napili ni Russel, isang paranormal expert, na kausapin ang mga kaluluwang naiwanan sa Heritage Hotel dahil sa madilim nitong kasaysayan ngunit kakontian ng tala. Ngunit sa hindi inaasahan, may mga kababalaghang babago sa proseso ng pagtuklas ng mga elemento rito.
-
12
ANG SUNKEN CEMETERY | Panaghoy | A Horror Story
Isang historical researcher si Bela na sobrang abala sa trabaho. Kaya simula nang ma-assign siya sa isang proyekto, palagi siyang dinadalaw ng isang alaalang hindi kaniya. Alaala ng isang lugar na hindi niya pa napupuntahan ngunit pamilyar na pamilyar sa kaniya.
-
11
KABABALAGHAN SA CLARK AIRBASE HOSPITAL | Panaghoy | A Horror Story
Mahilig magexplore ng mga kakaibang lugar si Emma, isang nurse, kasama ang kaniyang barkada. Ngunit sa pagpunta nila sa isang abandonadong ospital, may kinuha siyang hindi dapat ginalaw pa. Makuha pa kayang makatakas ni Emma sa kababalaghang kaniyang mararanasan?
-
10
PREMONISYON SA PAGAWAAN | Panaghoy | A Horror Story
Nang masunog ang TX Factory, isang resignation letter ang natagpuan sa loob ng isang drawer. Isinulat ito ni Rosalina, matagal nang staff sa factory. Sinasalaysay nito ang mga premonisyong kaniyang nakita dahilan para magbitiw siya sa kaniyang trabaho.
-
9
ANG LITRATONG KUHA SA KAPILYA NG DLSU | Panaghoy | A Horror Story
May kakaibang nahagip sa litrato ni Gela, isang grad-waiting student mula sa DLSU. Ito ang magdadala sakanya para malaman ang malagim na nakaraan sa kapilyang madalas nila puntahan.
-
8
PASYALANG ITINAYO SA LIBINGAN | Panaghoy | A Horror Story
Iba't ibang kababalaghan ang nararamdaman ni Maria bilang saleslady sa Dar Mall. Hanggang sa mahuhukay ang isang katotohanan mula sa kaniyang nakaraan na magpapatunay sa kakaiba niyang karanasan.
-
7
ANG NAKATAGONG LIHAM SA BAHAY NA PULA | Panaghoy | A Horror Story
Nang magbakasyon si Jelai sa Bulacan, hindi niya inasahang tanaw mula sa kanilang tinutuluyan ang Bahay na Pula. Nakakikilabot na karanasan ang kaniyang naramdaman at humantong ito upang mahanap niya ang isang bibliya.
-
6
ANG BATA SA MALINTA TUNNEL | Panaghoy | A Horror Story
Anak ng isang Museum Coordinator sa Malinta Tunnel si Amil. Nang makita niya ang isang batang babae na naglalaro sa lagusan, pinakinggan niya ang mga kwentong bitbit nito tungkol sa kasaysayan ng lugar na iyon.
-
5
MGA MATA SA ILALIM NG MANILA FILM CENTER | Panaghoy | A Horror Story
Isang liham ang natuklasang nakabaon sa pundasyon ng Manila Film Center. Ang nagsulat nito? — si Mia, isang performer sa The Amazing Show, para sa kaniyang amang nawawala. Sinusundan nito ang mga kababalaghang kaniyang naranasan habang inaabot ang kaniyang pangarap.
-
4
PANAGHOY OFFICIAL TEASER
Ang Panaghoy ay isang koleksyon ng mga kuwentong kababalaghan mula sa iba't ibang trahedyang nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas. Mula sa mga makasaysayang lugar at pangyayari, kikilabutan ka sa mga istoryang likha ng kathang-isip.
We're indexing this podcast's transcripts for the first time — this can take a minute or two. We'll show results as soon as they're ready.
No matches for "" in this podcast's transcripts.
No topics indexed yet for this podcast.
Loading reviews...
ABOUT THIS SHOW
Ang Panaghoy ay isang koleksyon ng mga kuwentong kababalaghan mula sa iba't ibang trahedyang nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas. Mula sa mga makasaysayang lugar at pangyayari, kikilabutan ka sa mga horror stories na likha ng kathang-isip.Samahan si Camille Peng sa pagtuklas ng mga Panaghoy ng nakaraan. Abangan ang mga bagong episode tuwing Biyernes, 6:00PM.
HOSTED BY
PodHub
CATEGORIES
Loading similar podcasts...