The Parokyanos Show podcast artwork

PODCAST · comedy

The Parokyanos Show

Started from being football fans eventually turned to best men in life. Parokyanos CF's Lem and Cris have entered the game of life and will talk everything under the sun. Kicking off strong and that's the only goal!FOLLOW US ON OUR SOCIAL MEDIA PLATFORMSFacebook: https://www.facebook.com/profile.php?id=100082866746136Instagram: https://www.instagram.com/parokyanoscf_ph/?hl=enFor business, collaborations, guestings and inquiries, email us at [email protected]

Publisher-supplied feed metadata · PodParley refreshed Dec 13, 2024 · Source feed

  1. 40

    040: Spotify x YouTube Wrapped

    Goods ba kayo diyan mga Kaparokya? Nitong kamakailan lang sabay naglabas ang Spotify at YouTube ng kanilang Year-ender summary ng mga pinapakinggan ng mga listener mapa- music tracks o podcast show. Kilala sa tawag na "Wrapped". Ang ating mga Kaparokya, kasama pa rin ang ating Pambansang Guest na si Adrian Gali ay pinag-usapan ang kani-kanilang mga Wrapped at magugulat kayo sa kanilang mga nasa Top List. Kayo mga Par! Anu-ano ang mga bumubuo sa inyong "Wrapped"? Tara! Share share naman ng inyong mga top song at artist list #TPSWrapped #TheParokyanosShow

  2. 39

    039: ParokyaNEWS: Mga Pahabol na Issues ng 2024

    Mula sa himpilan ng balita at katatawan, narito ang The ParokyaNEWS! Tatalakayin ang mga isyu na naging laman ng traditional at social media nitong huling buwan ng taon. Tulad ng Quadcom Hearing, VP Sara ala WWE Pay-per-View promotion, at ang mainit init pa gaya ng padeklara ng Martial Law sa South Korea, ang Maris Racal-Anthony Jennings issue. Narito na ang ating mga tagapagbalita na sina Lem Labasbas, Cris Bermejo at ang Pambansang Guest/Field Correspondent, na si Adrian Gali. Mga ulo ng mga balita narito na!!! #ParokyaNEWS #TheParokyanosShow

  3. 38

    038: PAROKYAmustahan

    Tamang kumustahan lang mga Par! Ibinahagi ng ating mga hosts ang kani-kanilang mga pinagkakaabalahan habang OFF AIR ang Show. Samahan natin sina Lem at Cris sa usapang good vibes ang dala at mga impormasyon at aral na mapupulot, dito sa The Parokyanos Show!!! #PAROKYAmustahan #TheParokyanosShow

  4. 37

    037: Self-reward

    Mga Kaparokya, alam natin na bahagi ng buhay, lalo na ng buhay-manggagawa. Ang pagsisikap at pagtitiyaga. Partikular na din sa mga Kaparokya natin na tinaguriang mga "breadwinners". Sa episode na ito mga Par, pag-uusapan natin kasama ang Kaparokya natin, si Adrian Gali. Ano o anu-ano mga bagay o gawain ang ibinibigay niyo sa mga sarili niyo na ika nga "reward" or "treat"? Dahil ika nga, mga Par. Deserve natin 'to! at gaya ng mga popular na mga kataga "Celebrate the small wins, Success is a series of small victories." Tara! Mga Par, makibahagi sa usapan. #TPSSelfReward #TheParokyanosShow

  5. 36

    036: HELLO PAR, ARBOR, AGAIN

    Inihahandog ng The Parokyanos Show... < Etan: "I'm Here To Borrow Again..." Joy-Joy: "I don't believe you!" Etan: "I don't expect you to."> Kaparokya! Minsan ba sa buhay niyo na may nanghiram ng isang bagay na mahalaga sa'yo o kaya naman hiniram niyo mismo. May balikan ba? O Wala na... HELLO PAR, ARBOR, AGAIN. Now showing on Spotify and YouTube, worldwide! #HelloParARBORAgain #TheParokyanosShow

  6. 35

    035: Parokyanos Meets Ish and the World

    Goods na goods mga Kaparokya!!! Para sa isang espesyal na episode ng The Parokyanos Show. Kung baga may sinasabi tayong "Jack of All Trades", siyempre meron din siguro, "Jill of All Trades". Ating makakasama at makikipagkuwentuhan sa Parokya, ang kasalukuyang Presidente ng Peña Madridista Filipinas, Sports and Entertainment Writer/Editor, Event Coordinator, Travel and Food Blogger, na si Ms. Ish Caparras. Paniguradong exciting and mouth-watering na talakayan na naman ito mga Kaparokya. Ang inyong mapapanood at mapapakinggan! #ParokyanosMeetsIshAndTheWorld #TheParokyanosShow

  7. 34

    034: Intergenerational Gap!

    Ang Mundo ay patuloy sa pagsulong sa kanyang panahon. Kasabay din nito ay pagkakaroon ng tinatawag natin mga pagbabago sa lipunan tulad ng sinasabing "intergenerational gap". Ating pag-uusapan ang "gap" o puwang sa pagitan ng mga nagdaang henerasyon at ang bagong henerasyon. Lalo na mga kapansin-pansin na bagay sa takbo ng lipunan. Madrid Talk PH: Real Madrid comeback win vs. Osasuna, RM Feminino Remontada version and RM Baloncesto status in domestic and continental leagues. Lahat yan ay mapapanood at mapapakinggan sa! #TPSIntergenerationalGap #TheParokyanosShow

  8. 33

    033: The Return of the Comeback in One!

    We Are Back!!! Mga Kaparokya. Pagkatapos ng halos dalawang linggong pahinga. The Parokyanos Show is BACK!!! The Return of the Comeback in ONE! Dahil ang Madrid Talk PH ay inyo na din mapapanood at mapapakinggan sa The Parokyanos Show. Buena manong topic natin sa ating pagbabalik, ay ang pagbabalik ng mga nakahiligan natin noong Online Computer Games ay nasa mga cellphone na natin. Maki-Ragnarok (Chaos) na!!! #TPSTheReturnoftheComeback #TheParokyanosShow

  9. 32

    032: Parokyanos Club de Futbol Special: El Clasico

    Mainit na mainit na balita at usap-usapan ang El Clasico, sa mundo ng futbol at pampalakasan. El Clasico ay isang tunggalian sa larangan ng futbol sa pagitan ng magkaribal na koponan, ang Real Madrid C.F. at F.C. Barcelona. Binalikan ng ating mga hosts kasama pa rin sina RJ at Gideon ang mga hindi nila malilimutan tungkol sa El Clasico. Tara! Mga Kaparokyang Madridista o Barcelona supporter man, ano ang kuwentong Clasico mo? #TPSElClasico #The ParokyanosShow

  10. 31

    031: The PAROnormal Activity

    Sa nalalapit na Undas, isang espesyal na episode ang inihahandog ng The Parokyanos Show. Magbabahagi ang ating mga hosts na sina Lem at Cris, kasama ang mga bumisitang Kaparokya na sina RJ Tolentino at Gideon Taggueg nang mga karanasan o kuwentong kababalaghan. Dagdag na din ang mga kuwentuhan tungkol sa mga palabas na napanood na nag-iiwan ng kaunting takot, pero hindi mawawalan ng tawanan at kulitan, dahil ito ay The Parokyanos Show na iyong mapapanood at mapapakinggan! #ThePAROnormalActivity #TheParokyanosShow

  11. 30

    030: ParokyaNEWS: VP Sara Speaks... UNITEAM, end of an era?

    Isang pangyayari ang naging laman ng usap-usapan sa Parokya. Ito ay ang paglabas ni VP Sara Duterte-Carpio sa isang press conference, at mga mabibigat na pagsasalaysay nito tungkol sa kanyang "real score" (hanep! Parang love team) sa kanyang katambal na si Pres. Ferdinand "Bong Bong" Marcos or kilala sa tawag na PBBM at sa kasalukyang administrasyon. End of an era na ba? May panibagong tambalan na naman ba ang magtatapos? Sumama sa talakayan at palitan ng mga opinyon, Kaparokya! #ParokyaNewsUNITEAMEndOfAnEra? #TheParokyanosShow

  12. 29

    029: The Parokyanos Playlist

    Usapan sa Parokya ang mga trending collaborations o pagsasama ng mga singer/artists para sa mga hit na hit na music singles or albums. Dagdag na din, dahil nasa Spotify at YouTube ang The Parokyanos Show. Napag-uusapan na din ang mga playlists na pinakikinggan ng ating mga hosts ng Show. The Parokyanos Show, Now Playing.... #TheParokyanosPlaylist #TheParokyanosShow

  13. 28

    028: Parokyanos' Downtown Alley Podcast Episode experience

    Binalikan nina Lem at Cris ang kanilang 1st ever podcast guestings, partikular sa Down Town Alley Podcast. Plus, ang kanya-kanyang karanasan sa pagpasok sa mundo ng podcasting. #ParokyanosxDownTownAlley #TheParokyanosShow

  14. 27

    027: Parokyanos Club de Futbol Special: Friendly Match vs. The Galacticos FC

    A BIG Match Coming... Witness a Peña Madridista Filipinas' Pre-Copa Madrazo Friendly Match between the Copa powerhouse, The Galacticos FC and the fan fave Parokyanos CF on October 19, 2024, Saturday, 4pm-6pm at Studio 300, Makati City. You will see your Parokyanos bring and showcase their A+++ game, led by Capitan and the Main Host of The Parokyanos Show Lemuel Labasbas. On this special episode, Lem and Cris with Parokyanos CF all time leading goal scorer, RJ Tolentino share their experiences on playing football and their preparation for the upcoming friendlies. The Parokyanos Show kicks off!!! #ParokyanosVGalacticos #TheParokyanosShow

  15. 26

    026: Parokyanos meets Aljohn Polyglot

    Sa mga nakaraang episode ng The Parokyanos Show. Ating nakapanayam ang isang Hispanohablante (Spanish speaker). Sa episode na ito, isang sikat na tao naman na kaya magsalita at makipag-ugnayan sa maraming wika ang makakasama natin. Kilalanin natin si Par, Prince Aljohn Mogatas o mas kilala bilang "Aljohn Polyglot"! #ParokyanosMeetAljohnPolyglot #TheParokyanosShow

  16. 25

    025: TatakbOO!!! : Certificate of Candidacy

    Unang araw ng Oktubre hanggang sa katapusan ng parehong buwan ay binuksan na ang pagpasa ng mga kanya kanyang Certificate of Candidacy ng mga nais na maglingkod sa ating Bayan. Narito ang Parokyanos kasama ng Parokyanos Big Brother na si Kuya Owen Reyes na maglalabas ng mga impormasyon, kuro-kuro o opinyon sa mga personalidad na naghayag ng kanilang layun sa pagtakbo para sa posisyon sa pamahalaan. Bonus na rin, ang talakayan tungkol sa sistemang meron tayo. Makilahok sa pagtakbo. Este! Sa talakayan. #ParokyanosCOCtakbOO #TheParokyanosShow

  17. 24

    024: ScalOOppps... sa MarOOn 5 Con?

    Mga Kaparokya, minsan ba dumating sa mga buhay niyo na nagbalak na makapanood mismo ng isang concert or tour ng paborito niyong artist o musikero, o kaya ng isang "big event"? Kung Oo, e... ang maubusan ng ticket o madale ng "scalper". Narito ulit! Ang nagbabalik, ang Big time at Kuya ng lahat, na si Owen Reyes. Upang ibahagi ang kanyang karanasan at bugso ng damdamin sa katulad na pangyayari. #ParokyanosOwenReyes #TheParokyanosShow

  18. 23

    023: Curso Básico de Idioma Español

    ¡¿Que es bueno?! Kaparokya. Sa pagpapatuloy ng ating episode tungkol sa Wikang Español. Atin naman itong aaralin at gawan ng aplikasyon sa isang maliit na pag-uusap. Siyempre, sa pagtuturo at gabay pa rin ng ating amigo, Señor Rafael Aldeguer. Kaya, mga Kaparokya. ¡Ven y aprende de The Parokyanos Show! #ParokyanosEnEspañol2 #TheParokyanosShow

  19. 22

    022: ¡¿Habla Español?!

    "Wikang Español, kakabit ng ating pagkakakilanlan." 'Di ba pamilyar mga Kaparokya ang mga katagang ito? Lalo na kung sumasakay ka sa LRT o MRT noon? Sa Episode na ito makakasama natin ang isa sa mga amigo ng Parokya na si Señor Rafael Aldeguer. Bibigyan niya tayo ng introducción sa Wikang halos nakaugnay na sa atin mga Pilipino. Dagdag na rin, kung paano siya nahilig, aralin at pagyamanin ito. Sumama na sa talakayan at matuto! #ParokyanosEnEspañol #TheParokyanosShow

  20. 21

    021: The Philippine Human Rights Plan

    Goods na goods! Mga Kaparokya. Isa sa mga host ng The Parokyanos Show na si Cris Bermejo ay may nasamahang gawain na mayroong dakilang layunin para sa bayan. Sa episode na 'to, kaniyang ibabahagi sa Parokya ang kanyang mga kaganapan mula sa isang linggong gawain na may kinalaman sa pagbuo ng Pambansang Plano para sa Karapatang Pantao. #ParokyanosxPhilippineHumanRightsPlan #TheParokyanosShow

  21. 20

    020: The Parokyanos Comfort Show

    Kaparokya! May mga pagkakataon tayo na galing sa mga kanya kanyang gawain na pagod na pagod at stress. Minsan, kanya kanya din tayo hanap ng mga bagay na puwede makapagbigay sa atin ng "comfort". Sa episode na 'to, ating pag-uusapan 'yung mga palabas, pelikula or serye (series) na masasabi natin na nakapagpagaan ng ating mga pakiramdam. #TheParokyanosComfortShow

  22. 19

    019: Formula One 101

    Ready, Set, Gooooooo!!! Pamilyar ba kayo sa Netflix Series na "Drive To Survive"? Sa episode na ito ating tatalakayin ang isa sa mga kapana-panabik na sports na hindi lang kinahihiligan ng ating mga kasama sa Parokya, kundi pati na rin ng ating Pangulo. Ang Formula 1 o F1! Makakasama natin ang F1 enthusiast ng Parokya na si Adrian Gali sa talakayang ito. Tara! Ating alamin at kilalanin ang sports na ito!!! VrooOOoom!!! #ParokyanosF1 #TheParokyanosGrandPrix #TheParokyanosShow

  23. 18

    018: See Eee OOooh!

    Kaparokya, napansin niyo ba yung mga dumaraming Chief Executive Officer o CEO? Kung Oo. Sa Episode na ito, pag-uusapan natin yan. Lahat ba ng magtatatag ng kanya-kanyang negosyo ay puwede tawagin CEO. Makilahok sa aming usapan, nang maliwanagan natin ang isa't isa tungkol sa paksa. #ParokyanosSeeEeOOooh #TheParokyanosShow

  24. 17

    017: Elementary School Days: Pang-umaga o Pang-hapon?

    Muling alalahanin ang saya ng panahon ng kamusmusan. Ang ating mga "Dealers" ay ibinahagi ang kanilang mga "goods" experiences noong elementary school days nila. Mga Kaparokya, ano ba mas goods? Pang-umaga ba o pang-hapon? Makilahok sa aming pagbabalik-tanaw. #ParokyanosSaElementarya #TheParokyanosShow

  25. 16

    016: Plano at Pangarap sa Buhay

    Gaya din lahat ng tao at mga Kaparokya. Siyempre, ang inyo po mga lingkod ay may mga pangarap at plano din sa buhay. Dito, aming tinalakay ang aming mga plano at pangarap sa buhay at mga hamon na hinarap din namin habang nasa daan na tinatahak namin tungo sa mga kanya-kanyang pangarap. Dahil nga kami ang inyong "goods dealer", gusto namin ang bawat isa sa atin sa Parokya ay ma-inspire na mangarap at magpatuloy mahalin ang buhay. #ParokyanosPlanoAtPangarap #TheParokyanosShow

  26. 15

    015: PNP - Payo ng Parokyanos: LDR

    May pinaunlakan ang The Parokyanos Show na isang liham mula sa isang Kaparokya na humihingi ng payo o "advice" tungkol sa kanyang suliranin, ang mag-"cope up" sa isang Long Distance Relationship o LDR. Dahil diyan, narito ang PNP! Payo Ng Parokyanos na handang tumulong sa mga Kaparokya. #PayoNgParokyanos #PNPLongDistanceRelationship #TheParokyanosShow

  27. 14

    014: Anime (アニメ) !!!

    こんばんはパロキアノス (Magandang araw, mga Kaparokya)!!! Samahan natin ang ating mga Bida na sina Lem, Cris, Eyds at RJ sa isang paglalakbay sa mundo ng Anime. Ang kanilang misyon ay maibahagi sa Parokya ang mga "goods" na kailangan para magapi ang pOOwersa ng kadiliman at kasamaan. Magagawa kaya nila ito? #ParokyAnime #TheParokyanosShow

  28. 13

    013: PWE!: Parokyanos Wrestling Entertainment

    Welcome to the Parokyanos Wrestling Entertainment, PWE! entering the ring, the dynamic duo and your defending PWETag Team Champions, the come backing Freshly Squeezed Lemmy and Cris Jericho Rosales. The challengers, Adrian Gali-bble and RJ Truth witnessed the walking trouble they entered... And this main event is gonna be awesooOOoome!!! #ParokyanosWrestlingEntertainment #PWETagteamchampionship #TheParokyanosShow

  29. 12

    012: Here Comes The Rain Again

    Heto na naman! Ang panahon ng tag-ulan sa 'Pinas. Panahon na naman para sa mainit na S... Sopas o sabaw. Sabay maaalala mo yung mga goods na ginagawa o pinagkakaabalahan, pati na rin food trip mo sa mga ganitong panahon. Kaparokya! Share naman diyan ng mga HERE COMES THE RAIN AGAIN moments niyo. #ParokyanosHereComesTheRainAgain #TheParokyanosShow

  30. 11

    011: ParokyaNEWS: SHEMENET-craze, Kapulisan sa KOJC

    Narito ang ParokyaNEWS na may layuning maghahatid sa inyo ng mga balitang naging maugong sa mga nagdaang panahon. Magbibigay ng impormasyon at reaksyon sa mga ito na walang kinikilingan, pawang katotohanan at nagpa-Podcast lamang. #ParokyaNews #TheParokyanosShow

  31. 10

    010: Bayani!

    Kumusta mga Kaparokya?! Na-enjoy niyo ba ang nagdaang long weekend? Ano napansin niyo sa mga fiesta oficial kaya tayo may long weekend? Ngayong episode, ating pag-uusapan ang mga Bayani ng ating Bansa. Kayo, mga Kaparokya. Ano pumapasok sa isip niyo, kapag naririnig niyo ang salitang "Bayani"? #ParokyanosBayani #TheParokyanosShow

  32. 9

    009: ParokyaNEWS: Alice Go? Chibog na 64Php?

    Dapat goods lang tayo, mga Kaparokya. Pero mukhang "no goods" ang mga nababalitaan natin kamakailan. Makilahok sa aming balitaktakan! #ParokyaNEWS #TheParokyanosShow

  33. 8

    008: Burn Out!!!

    Sobrang busy mga Kaparokya a! Mukhang stress at burn out na kayo gaya ng dumulog sa amin. Kayo ba? Paano niyo hinaharap ang mga "no goods" sa inyong mga trabaho? Halina't magtulungan tayo mga Working Parokyanos. #ParokyanosBurnOut #The ParokyanosShow

  34. 7

    007: SuGOOD Azkals!

    Goods pa ba mga Kaparokya? Ayos ba ang itinerary hatid namin? Itong kasama nating Big Time Traveller na si Owen Reyes, ay lingid sa inyong kaalaman ay isang Malaking tagahanga din ng futbol at ng pambansang koponan na noon ay tinaguriang "Azkals". Sa episode na ito kanyang ibabahagi ang goods sa pagiging Azkals supporters. #ParokyanosAzkals

  35. 6

    006: ASEAN Tour + Nippon Bonus

    Grabe! Mga Kaparokya. May jet lag pa ba tayo diyan? Ang ating kasama na si Owen Reyes ay dinala tayo sa mga magagandang pook sa Europa at ilang bahagi ng Asya. Ngayon naman, ASEAN at Land of the Rising Sun goods naman tayo. Kaya! fasten your seatbelt lang mga Par! #ParokyanosBanzaiASEAN

  36. 5

    005: Dream Destinations

    Ayun! Goods ba kayo diyan, mga Kaparokya? Sarap maging bata 'no? Last episode napalabas tayo ng bahay at napalarong kalye. Ngayong episode naman, maglalakbay tayo sa ating mga Dream Destinations, at siyempre may kasama tayong Big Time! Walang iba kundi si Owen Reyes. #ParokyanosDestinations

  37. 4

    004: Larong Kalye

    Goods ba kayo diyan? Mga Kaparokya. Siguro naman ang karamihan sa atin ay nakaranas sa na maglaro sa labas ng bahay o kaya sa mga lansangan ng inyong pook o barangay. Anong mga larong kalye ang mga nalaro niyo na noon? Sali kami! Mukhang goods yan!

  38. 3

    003: What happened, Caloy?

    2 Golds, Gold-haired partner and the Family Feud. PLUS, Adrian Gali as our special guest! Goods ba kayo diyan? Mga Kaparokya. Anong saloobin niyo tungkol sa tagumpay at kontrobersiya ng ating Golden Boy, Carlos Yulo?

  39. 2

    002: KFa... KPOP!

    Goods ba kayo diyan? Mga Kaparokya. Muling nagbabalik ang Show na may mapupulot naman kayo, pulutin niyo na lang. Sa episode na 'to, ating pag-usapan ang sikat na sikat na music genre mula South Korea, ang K-POP.

  40. 1

    001: A Parokyanos' Introduction

    Freshly Squeezed Lemmy is DEAD. Bermejo CL is onto the Next Chapter. Ang kanilang pagsasanib puwersa, dala na rin ng pangangailangan ng Pera ay nasa malawak na... Social media!!! Narito na! The Parokyanos Show. Ang Show na magbibigay sa inyo ng mga "goods" tungkol sa mga bagay-bagay sa ilalim ng init at lagablab ng araw.

Type above to search every episode's transcript for a word or phrase. Matches are scoped to this podcast.

Searching…

We're indexing this podcast's transcripts for the first time — this can take a minute or two. We'll show results as soon as they're ready.

No matches for "" in this podcast's transcripts.

Showing of matches

No topics indexed yet for this podcast.

Loading reviews...

ABOUT THIS SHOW

Started from being football fans eventually turned to best men in life. Parokyanos CF's Lem and Cris have entered the game of life and will talk everything under the sun. Kicking off strong and that's the only goal!FOLLOW US ON OUR SOCIAL MEDIA PLATFORMSFacebook: https://www.facebook.com/profile.php?id=100082866746136Instagram: https://www.instagram.com/parokyanoscf_ph/?hl=enFor business, collaborations, guestings and inquiries, email us at [email protected]

HOSTED BY

Lem Labasbas and Cris Bermejo

CATEGORIES

Frequently Asked Questions

How many episodes does The Parokyanos Show have?

The Parokyanos Show currently has 40 episodes available on PodParley. New episodes are automatically indexed when they're published to the podcast feed.

What is The Parokyanos Show about?

Started from being football fans eventually turned to best men in life. Parokyanos CF's Lem and Cris have entered the game of life and will talk everything under the sun. Kicking off strong and that's the only goal!FOLLOW US ON OUR SOCIAL MEDIA PLATFORMSFacebook:...

How often does The Parokyanos Show release new episodes?

The Parokyanos Show has 40 episodes. Check the episode list to see recent publication dates and frequency.

Where can I listen to The Parokyanos Show?

You can listen to The Parokyanos Show on PodParley by clicking any episode. We provide an embedded audio player for direct listening, and you can also subscribe via your preferred podcast app using the RSS feed.

Who hosts The Parokyanos Show?

The Parokyanos Show is created and hosted by Lem Labasbas and Cris Bermejo.
URL copied to clipboard!