Si Albert Einstein - Dakilang Pisiko 2 (3) Tagalog

EPISODE · Aug 29, 2022 · 38 MIN

Si Albert Einstein - Dakilang Pisiko 2 (3) Tagalog

from Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Historical Biographical narratives about Albert Einstein in Tagalog Language. This section is the second of three parts.EXCERPT:Noong taon – MIL OTSO SIENTOS NUBENTA’Y KUWATRO (1894), nagpunta ang mga magulang ni Albert sa Italia at doon sila nagtrabaho. Dahil nag-a-aral noon si Albert, nagpaiwan muna siya sa Munich upang taposin niya ang kanyang pag-a-aral. Sa mga tiyempong iyon, lalong sumidhi ang atensiyon ni Albert sa kanyang pag-aaral. Naging kakaiba ang kanyang kahusayan sa Matematika ng Calculus. Subalit, malimit siya noong hindi pumapasok sa iba niyang mga klase upang siya’y makapunta sa laboratoryo. At sa mga klase na hindi niya inintindi, nasabi ng mga propesor sa mga ito na wala siyang hahantungan sa buhay.Noong nagka-edad siya ng LABIMPITO (17), humarap siya sa isang eksamen sa pagtugtog ng biyulin. Natanto ng magtuturo noon na nagbigay ng eksamen sa kanya na mayroon itong kakaibang pang-unawa sa musika. Sa mga sumunod na dekada, naging mahusay na biyulinista si Albert Einstein. Subalit mas nananaig ang kanyang pagkainteres sa siyensa. Ayon sa kanya: “Nabuhay ako sa mga pangitain ko sa musika. Minamatyagan ko ang aking buhay sa alituntunin ng musika.” Noong MIL OTSO SIYENTOS NUBENTA’Y SINGKO (1895), gusto niya noon ang mag-aral ng inhenierya at mag-pokus sa linya ng elektrisidad subalit noong siya’y kumuha ng eksamen para makapasok sa Eidgenossische Technishe Hoschuleo SWISS FEDERAL POLYTECHNIC INSTITUTE sa Switzerland (Suisa), hindi niya naipasa ito. Gayunpaman, siya’y napayagan na mangumpleto sa kanyang grado sa ARGOVANIAN CANTONAL SCHOOL sa Aarau (‘O-R A W’), Switzerland . Noong MIL OTSO SIYENTOS NUBENTA’Y SAIS (1896), nakapasok ito sa SWISS FEDERAL POLYTECHNIC INSTITUTE para mag-aral ng apat na taon sa Matematika at Pisika habang siya’y nagturo naman dito ng kursong pang-diploma. Sa unibersidad, nag-iisa lamang noon ang babaing kaklase niya. Siya si MILEVA Maric. Isang mahusay na matematiko at pisiko na taga Serbia si Mileva. Itong unibersidad na pinapasukan nila, ang pangalawang unibersidad sa Yuropa na tumanggap ng babaing estudyante sa mga programa na kanilang itinuturo. Si MILEVA ay siyang panlimang babae pa lamang na nag-aral ng Matematika at Pisika sa unibersidad na ito sa mga panahong iyon. Naipanganak si Mileva sa isang pamilya na nasa Imperio ng Hungaria. May kakayahan ang kanyang kamag-anakan. Sa mga tiyempong iyon, hindi pa noon pinapayagan ang mga babae na makapagtapos at makatanggap ng edukasyon mula sa unibersidad sa Hungaria. Kung kaya sinamahan siya ng kanyang ama na si MILOS “MARITCH” Maric, na pumunta sa Suisa (Switzerland) upang pumasok na mag-aral ng sekundaria sa eskuwelahan ng mga babae. Isang mataas na opisyal noon ng korte sa Zagreb, Croatia ang ama ni Mileva. Bagaman mayroong bahagyang kapansanan sa paglakad si Mileva, dahil sa pagkakapilipit (pagkakabalikuko) ng balakang nito noong siya’y bagong panganak, hindi ito naging balakid sa kanyang edukasyon dahil sa husay, talino at pananagumpay niya sa akademya. Habang sila ay nagkaklase noon sa unibersidad, lagi-lagi noong nagsasama sina Albert at Mileva. Paminsan-minsan noon na hindi nag-a-atendar ng klase si Albert at sila’y nagtutulungang dalawa sa kanilang mga inaaral. Magaling sa pag-aayos ng sistema ng pananaliksik si Mileva. Tatlong taon itong nakakatanda kay Albert. Pareho silang masigasig sa kanilang pag-a-aral, pananaliksik at pagsusulat. At bagaman kadamihan sa kanilang isinusumiteng artikulo tungkol sa pinagsamahan nilang inaaral at sinasaliksik ay napapunta lahat sa pangalan ni Albert, marami mga nilalaman ng mga sulat nila sa isa’t-isa na dalawa ang nakakapag- patunay na sila’y nagkolaborasyon sa mga konsepto na kanilang pinag-aralan at sinaliksik...."PLEASE LISTEN TO THE PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE.

NOW PLAYING

Si Albert Einstein - Dakilang Pisiko 2 (3) Tagalog

0:00 38:08

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

French Your Way Jessica: Native French teacher founder of French Your Way Boost your French listening skills and test your comprehension with this one of a kind series of podcasts. Get the chance to listen to a real conversation between native speakers talking at normal speed AND customise your learning experience through carefully designed sets of questions (2 levels of difficulty) available for download at www.frenchvoicespodcast.com. All interviews also come with the transcript. French teacher Jessica interviews native speakers of French from around the world who share a bit of their life and passion. Where else would you meet in one same place a French yoga teacher based in Melbourne, a soap manufacturer from Provence, or a couple cycling around the world? PodQuesting Dwight J Randolph- WolfShield Media PodQuesting: -By WolfShield Media and Dwight J RandolphJoin us on an exciting journey to master the world of fiction podcasting! At PodQuesting, we document our quest to improve and innovate, sharing valuable insights, strategies, and behind-the-scenes tips along the way. Whether you're an experienced podcaster or just starting your first show, our podcast is your go-to resource for everything podcasting.Discover practical advice, creative techniques, and lessons from our own experiences as we explore the ever-evolving podcasting landscape. Ready to level up your skills and embark on this adventure with us? Tune in and join the quest!Have questions or feedback? Reach out to us at [email protected] and visit our website:WolfShield.Media She’s a Hazard to Herself She’s a Hazard Hi there, I’m Mallory, and I’d like to invite you into our world with “She’s a Hazard to Herself!” Join us as we navigate life with Multiple Sclerosis from the seat of my power wheelchair. Discover stories of resilience, family, and the community we’ve built around chronic illness. Whether you’re impacted by MS or want to learn from our journey, there’s something here for you. So why wait? Subscribe to “She’s a Hazard to Herself” on your favorite podcast app and be part of our journey today. Let’s lift each other up, one episode at a time! Sermons | Countryside Bible Church Countryside Bible Church At Countryside Bible Church, we equip believers to joyfully live holy lives, to serve one another, and to share the gospel of Jesus Christ, all to the glory of God. We are committed to a high view of God, and a high view of Scripture.
URL copied to clipboard!