ANG MALUPIT NA SINAPIT NG MUSMUS NA JEONG-IN.. episode artwork

EPISODE · Nov 4, 2023 · 12 MIN

ANG MALUPIT NA SINAPIT NG MUSMUS NA JEONG-IN..

from Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes · host Crime Scene Tagalog Stories

Para sa mga bata sa mga sistema ng pangangalaga sa buong mundo, ang maampon ang siyang karaniwang pangarap. Kung papalarin, magkakaroon sila ng pamilya mag aalaga at kakalinga sa kanila. Pero kung mapupunta naman sa aampon na may masamang intention sa kanila, kalunos-lunos naman ang dadanasin ng mga batang mapipili nila. At sa kasamaang palad, ito ang kaso ni Jeong-in. Ang batang halos hindi pa marunong magsalita na dadanas ng labis na pang aabuso at kalupitang yayanig sa buong bansa ng South Korea. Dahil sa mga lokal na batas, ang mga umampon kay Jeong-in ay nakilala lang sa publiko sa pamamagitan ng kanilang mga apelyido, Si Jang, ang ina, at si Ahn ang ama. Kung titingnan, lumilitaw na ang mag-asawa ay huwarang adoptive parents. May apat na taong gulang na biyolohikal na anak na silang babae. At ayon sa kanilang mga kaibigan, talagang gusto ng mag asawa na mag ampon ng bata, bago pa man sila nag karoon ng sarili nilang anak. Kaya angkop talaga sa kanila, ang makapag ampon. Sa katunayan, ay na-feature pa ang pamilyang ito sa isang Korea Educational broadcast system documentary, na Ordinary Family. Isang palabas na nilayon, upang aktwal na isulong ang pag-aampon. Gayunpaman, sa kabila ng panlabas na anyo, hindi din nagtagal ang bagong buhay ni Jeong-in. Naging ganap din itong bangungot. Sa pagsisiyasat na darating, hinuha ng pulisya, na nagsimula ang pang aabuso sa bata noong February. Isang buwan matapos siyang maampon ng mag asawa. Ilang buwang hindi kaagad napansin ang pang aabuso sa bata, o hindi kaagad na ereport. May 25, 2020, isang manggagawa sa Daycare ng mga batang babae, ang nakapansin na may mali sa bata. Inereport nila ang hinihinalang pang-aabuso sa bata sa mga pulis. Matapos makakita ng mga pasa sa tiyan at hita ng bata. Pero idinahilan naman ng mga magulang na umampon sa bata, na may isang kondisyon ang bata, na naging sanhi ng bahagyang pagka deform ng paa nito. At na malamang na ang mga pasa, ay dahil sa pagmasahi nila sa bata. Pero hindi nila naipaliwanag ang pasa ng bata, sa may bandang tiyan nito. Gayunpaman, walang kinahantungan ang sumbong na ito. Hindi nagtagal noong June 29, summer ng taong din yun, isa na namang report ang natanggap ng pulisya patungkol kay Jeong-in. Na mag isang naiwan sa loob, ng nakaparadang sasakyan, napakainit na panahon. Pero sa huli, bigo parin ang mga awtoridad, na makahanap ng anumang katibayan ng kapabayaan. Dahil hindi man lang sinimulan ng mga pulis ang mag imbestiga kahit isang buwan na ang nakalipas matapos matanggap ang report, ng hinihinalang pang aabuso.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Nov 4, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

ANG MALUPIT NA SINAPIT NG MUSMUS NA JEONG-IN..

0:00 12:57

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes?

This episode is 12 minutes long.

When was this Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes episode published?

This episode was published on November 4, 2023.

Can I download this Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!