Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes podcast artwork

PODCAST · true crime

Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes

Mga kremin sa buong dako ng mundo na isinalin sa wikang atin. Isinasalaysay ang detalyadong kwento bago ang aktuwal na kremin. Upang mas maunawaan pa ng mas nakararami kung ano ang puno't dulong dahilan, kung bakit nagawa ang pagkitil. Kung kayo po ay tulad ko na mahilig sa ganitong uri ng kwento, ang podcast na'to ay para po sa inyo. Tara na't ating alamin ang karima-rimarim na kwento, sa likud ng bawat crime scene.

  1. 130

    BR*TAL NA SINAPIT NI MISIS SA KAMAY NG SUNDALONG MISTER NG MGA KABIT NITO

    Please do support my channel through:https://buymeacoffee.com/tagalogcrimescenestoriespatreon.com/TagalogCrimeSceneStoriesTHANK YOU...

  2. 129
  3. 128

    PAANO SIYA NAKALIGTAS? THE UNBELIEVABLE CASE OF ALISON BOTHA

    PAANO SIYA NAKALIGTAS? HINALAY, HALOS MAPUGUTAN NG ULO, NAKALABAS ANG MGA BITUKA, PERO....

  4. 127

    NAVOTAS CEMENTED DRUM MURDER CASE

    ASAWANG SINALVAGED AT ISINIMENTO DAHIL SA LABANAN SA KUSTUDIYA

  5. 126

    ANG MISTERYOSONG KASO NG PAMILYA GUNAWAN..

    APAT SILA SA IISANG BAHAY, NANGANGAMOY NA NG MATAGPUAN..

  6. 125

    MATALINONG NAVY CADET, TINUSTA NG BUHAY NG MGA KASAMAHAN...

    ANG BRUTAL NA SINAPIT NG ISANG KADETE SA KAMAY NG KANYANG MGA KASAMAHAN, SA LOOB MISMO NG CAMPUS,,

  7. 124

    BUMALIK BA TALAGA SIYA MULA HUKAY PARA I-SOLVE ANG SARILING KASO?

    ESPIRITO NG BIKTIMANG BUMALIK PARA ISUMBONG KUNG SINO ANG MGA LUMAPASTANGAN AT TUMAPOS SA KANYA?

  8. 123

    A TRAGIC CASE OF A GAME STREAMER

    KILALANG ONLINE GAMER, NAGPATIWAKAL DAHIL SA GOLD DIGGER NA NOBYA??

  9. 122

    DAHIL GUSTO NIYANG MAKITA PAANO UMAALIS SA KATAWAN ANG MGA KALULUWA PAGMALAGUTAN NG HININGA, KAYA...

    GUSTO NIYANG MAKITA KUNG PAANO UMAALIS ANG KALULUWA SA KATAWAN NG ISANG TAO, KAYA...

  10. 121

    BUNT1S NA T1N0RT*RE NG 8 0RAS SA HARAP NG UMI1YAK AT BINUB*GB0G NIYANG ASAWA..

    BUNTIS NA TINORT*RE NG 8 ORAS SA HARAP NG UMIIYAK AT BINUBUGBOG NIYANG ASAWA.

  11. 120

    UPDATE: NASAAN NA SILA? ANG MGA PUM4TAY KAY JUNKO FURUTA

    UPDATE: NASAAN NA SILA? ANG MGA PUMATAY KAY JUNKO FURUTA..

  12. 119

    INSISTO NGA BA?? A TRAGIC END OF A LOVE STORY..

    INSISTO NGA BA?? A TRAGIC END OF A LOVE STORY..

  13. 118

    NURSE NAVY MURDER CASE

    If you want to support my Podcast, you can do so by clicking the links below. Thank you so much and God bless. https://buymeacoffee.com/tagalogcrimescenestories patreon.com/TagalogCrimeSceneStories Nang dahil lang sa isang pagtanggi..

  14. 117

    2014 MRT MASS MURDERS

    If you want to support my Podcast, you can do so by clicking the links below. Thank you so much and God bless. https://buymeacoffee.com/tagalogcrimescenestories patreon.com/TagalogCrimeSceneStories Noong 2014, nayanig ang Taiwan ng isang malagim na pangyayari malapit sa istasyon ng Jiangzicui. Isang lalaki ang nag-amok gamit ang isang kutsilyo, sa loob ng isang umaandar na tren. Nananakit ng mga tao, at tumapos ng buhay. Ang mga biktima ay mga ordinaryong tao, na ginagawa ang kanilang pang-araw-araw na gawain. Pero nauwi ang byahi nilang ito sa malagim na katapusan. Sa loob ng nakakulong na espasyo. Ito ang 2014 Taipei Metro Attack.

  15. 116

    NAWAWALANG ASAWA??

    If you want to support my Podcast, you can do so by clicking the links below. Thank you so much and God bless. https://buymeacoffee.com/tagalogcrimescenestories patreon.com/TagalogCrimeSceneStories January 29, 2024, bandang 5:30 ng hapon, isang 18 anyos na si Pornthep Thomthisaeng ang papauwi galing trabaho sakay ng kanyang motorsiklo, sa kahabaan ng Highway 7 sa Bangkok Pattaya. Habang pababa ng Highway, may napansin siyang pigura ng tao sa may gilid ng kalsada. Isang lalaking kumakaway na parang pumapara, ang blangkong nakatingin sa kanya. Nung una nakaramdam siya ng pagkabalisa, at gumapang ang takot sa kanyang sistema. Talagang siya ang pinapara ng taong blangkong nakatitig sa kanya. Dahil sa pagkabalisa, pinaharurut niya ang kanyang motorsiklo. Pero bandang huli, di niya rin siya nakapagpigil. At nagdesisyong balikan ang nasabing tao, para matanong kung anong kaylangan nito. Gayunpaman, pagbalik niya sa lokasyon, subra siyang nanghilakbot sa kanyang nakita. Na pakiramdam niya'y tumayo ang lahat ng kanyang balahibo, pati buhok sa kanyang ulo. Walang tao, kundi, walang buhay na katawan ang kanyang naabutang nasa gitna ng damuhan. Umaalingasaw na ang amoy nitong sumasama sa hangin. Nagpapahiwatig ng isang malagim na katotohanang na matagal na tung naandun. Nanginginig ang buong katawan ni Pornthep. Nagtatalo sa kanyang isipang ang nakitang taong pumapara sa kanya kanina, ay hindi na talaga tao, maaring isa na yung multo. Hindi na rin siya nag aksaya ng panahon. Agad siyang tumawag ng mga pulis, at ipinaalam ang kanyang natukalasan. Dito na rin nagsimula ang pagsisiyasat na hahantong sa paikot-ikot na imbestigasyon.

  16. 115

    BINATANG KINA1N AT PRINITO NG MGA KASAMAHAN SA POULTRY FARM

    If you want to support my Podcast, you can do so by clicking the links below. Thank you so much and God bless. https://buymeacoffee.com/tagalogcrimescenestories patreon.com/TagalogCrimeSceneStories THE POULTRY FARM MURDER CASE.

  17. 114

    APARTMENT FOR RENT MURDER CASE..

    If you want to support my Podcast, you can do so by clicking the links below. Thank you so much and God bless. buymeacoffee.com/tagalogcrimescenestories patreon.com/TagalogCrimeSceneStories APARTMENT FOR RENT MURDER CASE..

  18. 113

    THE BLUE BARREL MURDER CASE..

    Kamusta? Titingnan po natin ngayon, ang isa namang kakila-kilabot na kaso. Ito ay tungkol sa insidenteng nangyari sa Kerala, India. Itinuring itong isa sa pinakamahirap, nakakaintrigang kaso sa kanilang lugar. Dahil walang mga bakas, para makilala ang salarin. Kung kaya't paano nila nalutas ang kaso? If you want to support my Podcast, you can do so by clicking the links below. Thank you so much and God bless. https://buymeacoffee.com/tagalogcrimescenestories patreon.com/TagalogCrimeSceneStories

  19. 112

    RUBBER PLANTATION MURDER CASE..

    If you want to support my Podcast, you can do so by clicking the links below. Thank you so much and God bless. https://buymeacoffee.com/tagalogcrimescenestories patreon.com/TagalogCrimeSceneStories RUBBER PLANTATION MURDER CASE..

  20. 111

    PINAY LOVE TRIANGLE ENDS IN MURDER..

    November 8, 2002, nakatanggap ang pulisya ng tawag mula sa isang nag-aalalang babae'ng nag-uulat, na sinalakay ng isang hindi kilalang lalaki ang kanyang kapitbahay. Agad namang pumunta sa mga pulis sa pinangyarihan. At doon, naabutan nilang nakahandusay at wala ng buhay na katawan ni Anna Lisa Raymundo. Pero kakaibang malinis ang buong bahay. Sa panahon ng pagsisiyasat, nagawang matuklasan ng mga pulis ang mga detalye ng isang kakaiba't nakakatakot na love triangle, na humantong sa malagim na trahedya.

  21. 110

    GINAWA NIYANG GINILING NA KARNE ANG KA-ROOMMATE..

    Sa lahat ng mga taong nangungupahan, may pagkakataon talagang nagkakaron tayo ng makukulit na mga kaboardmates. Yung tipong maiingay sa gabi, hindi naglilinis, at nagpapahirap lang sa ating buhay. Pero kakaiba ang lala ng kaso natin ngayon. Nung 2015, nakatira si Terumi Morishima, isang 29 years old na babaeng mula sa Japan, sa isang boarding house kasama ng ilang mga lalaki't babaeng mga boarders. Naging ka roomate siya't naging matalik na kaybigan, ni Sawaku Watanabe. Hindi alam ni Sawako, lihim na ninanakaw ni Terumi ang kanyang pagkakakilanlan, at ninanakawan pa siya ng malaking halaga ng pera. Di lang basta hindi mabuting ka roomate si Terumi, napaka delikado niya ring tao. Handa siyang gawin anumang paraan, para nakawin ang pagkatao, ng kanyang kasamang nangungupahan sa kwarto. Ito ang kaso ng malupit na karoomate. Na di lang basta ginawang miserable ang buhay ng kanyang kasama, kundi, talagang winakasan niya pa tu, sa pinaka karumal-dumal na paraan.

  22. 109

    MISS HONDURAS MURDER CASE..

    MISS HONDURAS MURDER CASE..

  23. 108

    PWD CENTER MASSACRE..

    Kapag tinatalakay ang mga indibidwal na may mga kapansanan, maging ito man ay mental o pisikal, mahalagang pagtibaying sila'y may karapatan sa parehong mga karapatan, paggalang, at dignidad gaya ng sinuman. Ang pagkilala at pagtrato sa kanila bilang ganap na mga miyembro ng lipunan, ay isang pondasyon ng anumang inklusibo't etikal na Komunidad. Pero maaring may malaking hindi pagkakatulad ng pananaw sa mga taong may kapansanan, para sa iba't-ibang indibidwal at kultura. At sa kasamaang-palad, hindi lahat ng mga pananaw na'tu ay maganda o makatao. Sa kasong ating tatalakayin ngayon, sisilipin natin ang isang nakakapangilabot na insidente. Kung saan, humantong sa malagim na trahedya, ang maling pananaw para sa mga taong may kapansanan. Ang pananaksak sa Sagihara ni Satoshi Uematsu.

  24. 107

    THE ONLINE LOTTERY MURDER CASE

    March 22, 2020 sa isang apartment building malapit sa ospital, nagbara ang drainage ng isang residente sa ikalawang palapag. Nagpatawag tu ng tubero. At nalamang napakaraming giniling na karne pala, ang dahilan ng pagbabara. Habang kinukuha ng tubero ang mga giniling na karne mula sa tubo, nakakita sila ng isang daliri ng tao. Nangyari ang insidente sa Yulin City, Guangxi Province.

  25. 106

    THE BATHROOM ROBBERY MURDER CASE

    Sa distrito ng Pulomas sa Jakarta, naging bangungot ang buhay ng isang pamilya nang looban ang bahay nila ng mga magnanakaw. Nakulong ang pamilya, kabilang na ang mga bata at matatanda, sa loob ng isang maliit na espasyo. Kakila-kilabot ang kanilang naging kondisyon. Napakainit, masikip, at halos nauubusan na sila ng hangin. At sa oras na napasok na ng mga pulis ang bahay, naging huli na ang lahat, para sa ilan sa kanila. Kumusta? Ang pag-uusapan po natin ngayon, ay tungkol sa trahedyang nangyari sa isang pamilya sa Indonesia, dala ng labis na kasakiman.

  26. 105

    GINAWA NIYANG PAR*US@N ANG MGA B4NGK*Y, HANGGANG SA MAGSIMULA SILANG MA4GNAS..

    Si Harrison Frank "Marty" Graham ay isang taong, sa kabila ng pagkakaroon ng intellectual disability, ay nagawa pa ring tumapos ng pitong kababaihan, sa loob lang ng halos isang taong hindi nahuhuli. Paano tu nangyari, at bakit niya tu ginawa?

  27. 104

    TADT*D ANG INABOT NG SURGEON NA PILIT HUM4LAY SA KANYA..

    TADTAD ANG INABOT NG SURGEON NA GUSTONG HUM@LAY SA KANYA..

  28. 103

    EX-FIREMAN, PAANO NAGING R@P1ST AT MAM4M*T@Y-T40??

    Sa ating tatalakayin ngayon, titingnan po natin ang kasong animo'y mula sa isang nakakatakot na nobela. Gayunpaman, isa tung tunay at subrang nakakabagabag na sitwasyong nangyayari sa kasalukuyan. Isang sensitibong paksang kinasasangkutan ng seryosong paglabag personal na awtonomiya't kaligtasan. Kabilang na ang panghahalay, at bawal na pagkulong ng tao. Kumusta? Ngayon ay titingnan natin, ang kaso ng lalaking gumawa ng sekretong dungeon, para sa kanyang karumal-dumal na mga aktibidad.

  29. 102

    KAYBIGAN, O KALABAN?

    Sa mapagkumpitensyang industriya ng pagmomodelo, kung saan walang kakulangan ng mga magaganda at kaakit-akit na kabataang babae, sa pagiging 23 anyos at may dalawang anak, ay talagang medyo makakaapekyo sa mga prospect mong proyekto. At ito ang dahilan ng pangunahin nating salarin sa kasong ito, sa pagligpit sa kanyang kaybiga'ng naging parang kapatid na sa kanya. Nagkaroon ng lamat ang pagkakaybigan ng dalawa. Pareho silang nagtatrabaho bilang mga modelo. Pero nagalit ang salarin sa kaybigan nito, sa pagkakalat umano nito ng tsismis, na may mga anak na siya. Totoo naman yun, pero nababahala pa rin siya dito. Dahil pakiramdam niya, maapektuhan nito ang pagkakaroon niya, ng mga magagandang proyekto. Na mapapa-isip ka na lang. Talaga bang ang pagkakaroon ng maliit na sama ng loob sa iyong kaybigan, ay sapat na para planuhin mo ang pagdukot at pagtapos dito.

  30. 101

    KINUPKOP PARA GAWING PAR*US@N.....

    Ito ang 19 years old na si Sarah McLinn. Nung 2014, pinainum niya ng pampatulog, iginapos at tinapos ang 52 years old na lalaking naging parang ama na sa kanya. Sa lala at lupit ng pagtapos niya rito, hindi tuloy makapaniwala ang lahat, na ginawa niya lang yun ng mag-isa. Inilarawan siya ng mga pulis at media, bilang halimaw at walang-awang tumatapos ng tao. At parang totoo nga to nung una. Yun ay hanggang sa naibunyag, ang buong katotohanan. Kaya't ano nga ba ang tunay na nangyari? At paanong nauwi ang dalagang ito, sa paggawa ng katakot-takot na pagtapos ng tao? Kumusta? Ngayon ay titingnan natin ang kaso ni Sarah MacLinn. Ang 19 años na dalagang tumapos sa taong lumaspatangan sa kanya.

  31. 100

    ANG MGA KATAWANG ITINAPON SA GILID NG DAAN SA BUKIDNON...

    February 17, 2024, bandang alas tres ng hapon. Isang karumal-dumal na pangyayari ang gumimbal sa Sitio Bulicat, Baranggay Kalagangan, San Fernando Bukidnon. Dalawang walang buhay na katawan ang natagpuang itinapon, sa masukal na parte sa gilid ng Bukidnon to Talaingod Road. Isang babae at isang lalaki. Parehong nakabalot ng packaging tape ang ulo ng mga 'tu. Walang damit pang itaas ang babae't nakadamit panloob lang din ang lalaki. Kumusta? Ngayon ay titingnan natin, ang isa na namang karumal-dumal na kaso ng pagtapos ng tao. Sino nga ba ang dalawang katawang itinapon, at paano sila humantong sa malagim na katapusan?

  32. 99

    BAKIT NGA BA PINUG*TAN ANG DALAGANG ITO?

    Nung 2021, ang Islamabad Pakistan, ay naging sentro ng isang malagim na kaso. Ang pagtapos sa buhay ni Noor Mukadam. Isang 27 years old na dalagang, anak ng isang Pakistani Diplomat. Lumaki siya sa ibang bansa. Pero nagtapos ang kanyang buhay, sa kamay ni Zahir Jaffer. Isang lalaking mula sa mayamang pamilya. Nauwi sa bangungut ang pagtanggi niya, sa alok nitong pagpapakasal, na sa kalaunan ay nahantong, sa malagim na trahedya. Nagdulot ang kaso ng labis na galit, hindi lang ng publiko, kundi pati na rin ng ibang bansang may kilusan sa hustisya para kay Noor. Binibigyang-diin nito malawakang problema, ng karahasa'ng nakabatay sa kasarian.

  33. 98

    ANG GANTI NG KATULONG SA KANYANG MALUPIT NA AMO SA SINGAPORE..

    Nalala nyo po ba yung kahindik-hindik na kaso ni Piang Ngai Don na nacover ko nung nakaraang buwan? Yung Domestic Helper mula Myanmar na iniliglit ng kanyang mga Indianong Amo sa Singapore? Kung hindi nyo pa po napanood, ililink ko po sa discription sa baba. Ngayon, may isa pa pong kaso tungkol sa isa pang Domestic Worker sa Singapore. Pero sa pagkakataong tu, hindi na po yung DH ang nailigpit. Kundi yung amo naman. At talagang nagulat ng husto ang publiko, sa kasong ito. Maraming mga naipapasok na Domestic Workers na wala pa sa tamang edad. At halos walang maka-usap at masandalan at matanungan ang mga batang Domestic workers na tu. Kaya't mas lalong nagiging mahirap sa kanila ang trabaho. Lalo na kung mapunta pa sa sitwasyong, pinagbubuhatan na sila ng kamay at minamaltrato.

  34. 97

    SER1AL R@P!ST KINAT4Y NG MGA B!KTIMA SA LOOB NG SILID-HUKUMAN

    Tatalakayin po natin ngayon ang isang kakila-kilabot na indibidwal na kilala sa pangalang Akku Yadav. Kilala siya sa kanilang lugar, dahil sa mga kasuklam-kasuklam niyang mga ginawa, laban sa mga myembro ng Dallit Community. Sila ang mga itinuturing na pinakamababang estado, sa sistema ng lipunan sa India. Sa subrang lala ng mga ginawa ni Yadav, naging insperasyon pa tu, sa isang serye ng documentary ng Netflex. Pero ang nangyari sa lalaking 'tu sa huli, ang mas nakakakilabut at nakakagulat sa lahat.

  35. 96

    TAXI DRIVER, PAT@Y MATAPOS MANALO NG LOTTO

    Sa ibang bansa man, lalong-lalo na dito sa 'tin, napakaraming tao'ng nangangarap na manalo sa lotto, umaasang mababago nito ang mahirap na buhay. Natupad naman ang pangarap na to, para sa isang taxi driver sa Antipolo. Ng manalo siya, ng 19 million pesos sa lotto. Pero ang biglaang kapalaran na tu, ay hindi lang nagdala sa kanya at sa kanyang pamilya ng yaman. Humantong din tu, sa malagim niyang katapusan.

  36. 95

    MAGANDA, EDUKADA AT MAYAMAN, PERO GRABE ANG GINAWA SA KANYA...

    Ang kasakiman, inggit at ang pagnanais na makakuha ng kayamanan nang walang kahirap-hirap, ay ang siyang kadalasang nagtutulak sa mga taong gumawa ng pinakakasuklam-suklam, at mapang-uyam na mga kasamaan. Minsan, mahirap isipin kung anong kalupitan ang kayang gawin ng isang tao, alang-alang sa pera. Katulad na lang, ng pagligpit ng isang malapit na kaanak. Ang kwento ni Elizabeth Vasquez, ay isa sa nakakakilabot sa mga yun. Isang mabait, at masipag na babaeng, buong buhay na nagtrabaho para sa ikabubuti ng kanyang pamilya. Nagsusumikap na maibigay sa kanyang nag-iisang anak, ang masaganang buhay, at magandang edukasyon. Pero gumuho ang lahat, dahil sa kasakiman ng nag-iisang tagapagmana.

  37. 94

    ANG MISTERYOSONG PAGKAWALA NG ISANG FIL-AM SA CALIFORNIA

    ANG MISTERYOSONG PAGKAWALA NG ISANG FIL-AM SA CALIFORNIA #tagalogcrimepodcast #tagalogpodcast #crimepodcast #crimescenetagalogstories #tagalogcrimescenestoriespodcast

  38. 93

    ANG BR*TAL NA SINAPIT NG ISANG DH WORKER SA SINGAPORE..

    Ang mga kasambahay at katulong ay kadalasang mga taong nagmula sa mahihirap na pinagmulan (Kadalasan po. Hindi lahat.). Na humanap ng mas magandang pagkakataon, sa mas mayayamang bansa. Iniiwan nila ang kanilang mga tahanan, para maghanapbuhay sa ibang bansang may mas malaking sahud. Bagama't marami sa atin ang nakakaintindi sa kanila, sa kasamaang-palad, may ilan din namang hindi. Ang mga dayuhang katulong sa buong mundo ay madalas na nahaharap sa hindi makatao't malupit na pagtrato mula sa kanilang mga amo. Kabilang dito ang masasakit na pananalita, demanding schedules, at maging ang pisikal na pangmamaltrato. Marami sa mga insidenteng ito ang hindi napapansin. Pero may ilang dahil sa subrang lubha, hindi na talaga kaya pang itago. Kumusta, ngayon ay titingnan natin, ang isang partikular na nakakagambalang insidenteng ikinagulat ng publiko at maging ng mga hukom. Itunuring tong pinakamasamang pangmamaltratong ginawa, sa isang dayuhang kasambahay. Ito ang kalunos-lunos na kwento ng pagtapos, sa isang dayuhang katulong sa Singapore na si Piang Ngaih Don. #crimepodcast #crimescenetagalogstories #tagalogcrimepodcast #podcastcrimes #crimescenetagalogstoriespodcast #crimepodcast #podcasttagalogcrimes #creepypodcast #tagalogpodcast

  39. 92

    ANG MALAGIM NA SINAPIT NG DALAGANG SI SATOMI..

    Ang kaso ngayon ay tungkol sa isang dalagang Junior High School, na pagkauwi galing paaralan, ay nagtungo sa kanyang silid upang magpahinga, pero biglang malupit na inatake ng hindi kilalang lalaki. Dahil sa kakulangan ng mga lead, naging partikular na mahirap ang kaso. At nanatili itong hindi nalutas, sa loob ng mahigit isang dekada. Ang insidente ay nangyari sa Hiroshima Prefecture, na matatagpuan sa Timog-Kanluran ng Japan sa Honshu Island. Ipinagmamalaki dito ang masaganang likas na yaman, na may maunlad na industriya ng agrikultura at pangingisda. Dito rin matatagpuan ang maliit na lungsod, na pinangalanang Hatsukaichi. Isang mahalagang Timber Port sa Japan, na may populasyonng humigit-kumulang 110,000 ka mga tao. At sa lungsod na 'to nakatira, ang 17 years old na estudyanteng si Satomi Kitaguchi. Nakatira sa isang tradisyunal na bahay ng hapon. Na liban sa mismong bahay, ay may dalawang magkabilang bahaging konektado sa loob. Ang pamilyang Kitaguchi ay binubuo ng limang miyembro. Tatay, nanay, lola, si Satomi, at ang kanyang nakababatang kapatid na babae. Napakasaya ng tatay ni Satomi, ng maisilang siya 5 taon sa pagsasama nilang mag-asawa. Ng magkaon, muling biniyayaan ang mag-asawa ng isang supling na babae. At maligayang namuhay ang pamilya. Gayunpaman, isang malagim na trahedya ang nangyari, isang hapon ng October, 2014. #crimepodcast #crimescenetagalogstories #tagalogcrimepodcast #podcastcrimes #crimescenetagalogstoriespodcast #crimepodcast #podcasttagalogcrimes #creepypodcast #tagalogpodcast

  40. 91

    NAKUNAN PA NG CCTV CAMERA ANG TUNAY NA NANGYARI..

    Kumusta? Ang kasong ating pag uusapan ngayon, ay nangyari sa United Kingdom, nung May 6, 2022. Ang 23 years old na si Alice Woods ay lumaki sa Staffordshire. Meron siyang dalawang kapatid na lalaki at mula sa mapagmahal na pamilya. Pero nung bata pa siya, naghiwalay ang kanyang mga magulang. At bilang resulta, nahati ang kanilang kustudiya. Ayon sa mga malalapit kay Alice, napakatalino niyang dalaga. Napakahusay niya sa akademya. Napakahilig niya rin sa mga hayop. Mahal niya ang mga tu. At malamang na kumuha ng kursong beterenaryo. Gayunpaman, ibang kurso ang kanyang kinuha. Nag aral siya sa Manchester University at piniling kumuha ng Pilosopiya, Teolohiya, at Etika. Sineseryoso ni Alice ang kanyang pag-aaral. Palagi siyang nagsusumikap na makuha ang pinakamatataas na markang kaya niya. Kahit hindi pa nakakapagtapos, inalok na rin siya ng scholarship para mag aral ng Master's Degree sa Campbridge. Masasabing may napakaganda na talagang hinaharap ang dalaga. Meron din siyang nobyo. Ang 24 years old na lalaking nagngangalang Ryan Watson. Nagkakilala ang dalawa, nung simula ng lockdown nung March, 2020. Naging subrang malapit, at nagkamabutihan. At sa katunayan, sa loob ng 6 na buwan nilang relasyon, nagpaplano na silang magpakasal. 2021, nagpasya na ang dalawang magsama. Humingi sila ng tulong sa kanilang mga magulang, at nakabili ng sarili nilang bahay sa Cheshire. Sa mga panahong 'tu, nagsimula ng magtrabaho si Ryan bilang Support Worker, sa Brain Charity Headway. Ayon sa mga nakakakilala at nakatrabaho ni Ryan, napaka popolar ni Ryan, at talagang iginagalang ng marami. Gustong-gusto ni Ryan ang kanyang trabaho, dahil gusto niyang gumawa ng positibong pagbabago sa buhay ng mga tao. May 6, 2022, inimbitahan sina Ryan at ang kanyang mga kasamahan, sa isang birthday party ng isa kanilang mga Staff. Gaganapin ang nasabing party sa isang Bar. At sa pagkakataong tu, tinanong ni Ryan si Alice kung gusto ba nitong sumama. At pumayag naman tu. Nagbihis ang dalawa, at pumunta sa event. Nung una, maganda ang takbo ng mga bagay-bagay. Makikita sa CCTV'ng nagkakatuwaan ang dalawa. Pero ayon kay Alice, agad ding nagbago ang mga bagay-bagay nung gabing yun. Sa party, nakikisalamuha si Ryan sa ibang mga bisita, at nakikipag-usap sa iba pang mga dumalo. Napansin naman ng mga bisitang dumalo ng gabing yun, na tila hindi nasisiyahan si Alice, sa atensiyong binibigay ni Ryan sa ibang tao bukod sa kanya. At sa partikular, iba pang mga kababaihan.

  41. 90

    ANG NAKAKATAKOT NA KASO NG ISANG PINAY SA AUCKLAND, NEW ZEALAND

    May 24 2014, Sabado, kakatapos lang ni Blessie Gotingco, isang 56 years old na Pinay, ang kanyang araw ng trabaho at pauwi na. Nakatira siya sa Northshore Auckland, New Zealand, kasama ang kanyang asawang si Antonio Gotingco. 30 years na silang kasal, at nagmula sa Cebu City. Pareho sila ng paaralang pinapasukan. At kaklase siya dati ng kapatid ni Antonio. Sa paglipas ng panahon, nagkamabutihan ang dalawa, nagpakasal, at nagkaroon ng tatlong mga anak. Sina Bea, Vincent at John. 2004, lumipat ang pamilya sa New Zealand. Ang Auckland, ang naging tahanan ni Blessie. Masaya siya rito, mahal niya ang kanyang trabaho, at nagkaroon ng mga mabubuting kaybigan. Masaya ang pamilya sa naging buhay nila sa New Zealand. Meron silang magandang trabaho, at may magandang ugnayan sa kumunidad. Pero isang malagim na trahedya ang nagpabago ng lahat ng tu. #crimepodcast #crimescenetagalogstories #tagalogcrimepodcast #podcastcrimes #crimescenetagalogstoriespodcast #crimepodcast #podcasttagalogcrimes #creepypodcast #tagalogpodcast

  42. 89

    NAGING LIBINGAN NIYA ANG BAHAY NA TU...

    Kumusta, ngayon ay titingnan natin, ang isa pang kakila-kilabot na kaso nina Nobuyuki Sato, at ng studyanteng si Fusako Sano. Na dinukot at ilang taong binihag, sa loob ng hindi nakakandadong kwarto. Posibleng mapagtantong manyakis ang isang salarin, sa pamamagitan ng likas na mga katangian ng kanyang mga aksyon. Sinasabing ang mga taong ito, ay pinahihirapan at pinagmamalupitan muna ang kanilang mga target saka tatapusin. Pero kung minsan, ang gayong mga pangmamalupit, ay tumatagal ng mga taon. O minsan pa nga ay mga dekada pa talaga. Kung lampas na sa dalawa ang naging target ng isang Maniac, tinatawag na tung mga serye. At ang mga salarin mismo, ay tinatawag na tung Serial Maniac. Sa kasaysayan ng mundo ng mga criminalistics, may napakaraming insedenting hindi tinatapos ng mga ganitong uri ng mga salarin ang kanilang mga target. Kundi ginagawang bihag sa loob ng sarili nilang mga basements, o espesyal na gawang kulungan. Sa mga nakaka alam, halos katulad tu ng mga kaso nina Natasha Kampusch o Elizabeth Fritzl. Ang dalagang ikinulong ng sarili nitong ama sa basement ng kanilang tahanan, sa loob ng 24 years. At kadalasan, karamihan sa mga ganitong uri ng insidente, ang mga salarin, ay dati ng nasa radar ng mga kapulisan. #crimepodcast #crimescenetagalogstories #tagalogcrimepodcast #podcastcrimes #crimescenetagalogstoriespodcast #crimepodcast #podcasttagalogcrimes #creepypodcast #tagalogpodcast

  43. 88

    ANG KAKAIBANG PARAAN NG PAGP4TAY..| THE YOGA BALL MURDER CASE

    May 22 2015, nakakita si Tang Yu Ling, isang Nurse sa Sha Tin Hospital sa Hongkong, ng kakatwang sasakyang nakaparada sa daan. At dahil nga sa kyoryusidad, sinilip niya ang loob. At di niya inaasahan ang kanyang nakita. Kumusta? Ngayon ay titingnan natin, ang kakaibang kasong nangyari sa Hongkong. •••Ang Yoga Ball Murder Case.••• Ano nga ba ang dahilan, at sino ang nasa likud ng karumal-dumal na insedenteng ito #crimepodcast #crimescenetagalogstories #tagalogcrimepodcast #podcastcrimes #crimescenetagalogstoriespodcast #crimepodcast #podcasttagalogcrimes #creepypodcast #tagalogpodcast

  44. 87

    KOREAN MURDER CASE SA TANIMAN NG TUBO SA BACOLOR, PAMPANGA

    KOREAN MURDER CASE SA TANIMAN NG TUBO SA BACOLOR, PAMPANGA. #crimepodcast #crimescenetagalogstories #tagalogcrimepodcast #podcastcrimes #crimescenetagalogstoriespodcast #crimepodcast #podcasttagalogcrimes #creepypodcast #tagalogpodcast

  45. 86

    ANG PINAKA BIHIRANG KASO SA LAHAT..

    Ang kaso ngayon ay pinangalanang pinakabihirang kasong nangyari sa lahat. Gumamit ang salarin ng pinaka kakaibang sandata, para sa kanyang masamang plano. At kamuntikan pa siyang maabswelto. Pero dahil sa masusing pagsisiyasat, napatunayang hindi aksidente kung bakit nalagutan ng hininga ang biktima, kundi sadyang tinapos. Kung paano tu napatunayan, ay ang siyang ating tatalakayin. Kumusta? Ngayon ay titingnan natin, ang isang pinakabihira at kakaibang kasong nangyari sa Kerala, India. At kung paanong napatunayang hindi aksidenti kundi sinadya, ang naturang insidente. #crimepodcast #crimescenetagalogstories #tagalogcrimepodcast #podcastcrimes #crimescenetagalogstoriespodcast #crimepodcast #podcasttagalogcrimes #creepypodcast #tagalogpodcast

  46. 85

    ANG NAPAKA BR*TAL NA KASO NG BABAENG KINUYOG..

    ANG NAPAKA BR*TAL NA KASO NG BABAENG KINUYOG.. #crimepodcast #crimescenetagalogstories #tagalogcrimepodcast #podcastcrimes #crimescenetagalogstoriespodcast #crimepodcast #podcasttagalogcrimes #creepypodcast #tagalogpodcast

  47. 84

    ANG KARUMAL-DUMAL NA KATAPUSAN NG NURSING WORKING STUDENT..| THE MURDER CASE OF ERICA MEGAN SHARTON

    Tullahoma Tennessee, mahigit isang oras lang sa Timog ng Nashville. Inilalarawan to ng mga residente ng Tullahoma bilang kakaiba at tahimik. Karamihan sa mga tao ay magkakilala, at malapit ang komunidad. Noong 2012, tahanan to ng 24 years old na si Erica Megan Sharpton. #crimepodcast #crimescenetagalogstories #tagalogcrimepodcast #podcastcrimes #crimescenetagalogstoriespodcast #crimepodcast #podcasttagalogcrimes #creepypodcast #tagalogpodcast

  48. 83

    ANG BR*TAL NA SINAPIT NI NAINA, SA KAMAY NG KONGRESISTANG ASAWA..

    Isang gabi nung 1995 sa New Delhi, kung saan lumalagablab ang apoy sa isang Tandoor (clay oven), na karaniwang ginagamit para sa pagluluto ng mga pagkain, ay may tinatagong lihim. Biglang isang sigaw ng babae ang sumama sa hangin. Ng marinig tu, nagpasya ang nagpapatrol na pulis, na tingnan ang pinagmulan ng usok. Ang nakita nito nung gabing yun, ay ang siyang gumulat sa buong kabisera ng sumunod na umaga. Isang katawan ng tao ang natagpuang sinunog, sa isang tandoor ng isang restaurant. #crimepodcast #crimescenetagalogstories #tagalogcrimepodcast #podcastcrimes #crimescenetagalogstoriespodcast #crimepodcast #podcasttagalogcrimes #creepypodcast #tagalogpodcast

  49. 82

    ANG TRANS NA NATAGPUANG PINAPAKULU4N NG ASAWANG AUSTRALIAN CHEF..

    Ang kaso noong 2014 na kinasasangkutan nina Mayang Prasetyo at Marcus Volke, ay talagang isang nakakagukat at kakila-kilabot na insedenteng, gumimbal sa Indonesia at Australia. Si Mayang, isang transwoman mula sa Indonesia, ay natagpuang wala ng buhay at pinagputol-putol sa loob kanilang sariling apartment, kasama ng kanyang asawang Australian na si Marcus Volke, bilang salarin. Nananatili pa ring hindi maliwanag, ang eksaktong mga dahilan sa likod ng nakakatakot na insedenteng ito. Sinsabing nauwi sa malagim na trahedya, ang mainit na pagtatalo nina Mayang at ng asawa nitong si Marcus. Naniniwala rin ang ilan, na ang labis na katangian ng insidenteng ito, na humantong sa pagputol-putol sa katawan ay malamang, na dahil sa labis na pag-ibig. #crimepodcast #crimescenetagalogstories #tagalogcrimepodcast #podcastcrimes #crimescenetagalogstoriespodcast #crimepodcast #podcasttagalogcrimes #creepypodcast #tagalogpodcast

  50. 81

    ANG CH1NOP-CH0P NA PAGEANT QUEEN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG UTANG..

    Isang karumal-dumal na insedenteng nangyari sa isang bayan sa Vietnam, na labis na ikinagulat ng lahat. Ang malagim na sinapit ni Hồ Yến Nhi. Kilala sa kanyang magaling na performance, bilang 2nd runner up sa 2022 Miss Vietnam Ao Dai Pageant. 17 years old lang siya, ng mangyari ang insedente. Naihayag ang malagim na nangyari sa dalaga, ng makakita ang mag-asawang mangingisda ng putol na binti ng tao, sa Red River nung October 13, 2023. Ang kakila-kilabut na pangyayaring ito kalaunay humantong, sa pagkakahukay pa ng putol na katawan, at isa pang putol na binti ng tao. #crimepodcast #crimescenetagalogstories #tagalogcrimepodcast #podcastcrimes #crimescenetagalogstoriespodcast #crimepodcast #podcasttagalogcrimes #creepypodcast #tagalogpodcast

Type above to search every episode's transcript for a word or phrase. Matches are scoped to this podcast.

Searching…

We're indexing this podcast's transcripts for the first time — this can take a minute or two. We'll show results as soon as they're ready.

No matches for "" in this podcast's transcripts.

Showing of matches

No topics indexed yet for this podcast.

Loading reviews...

ABOUT THIS SHOW

Mga kremin sa buong dako ng mundo na isinalin sa wikang atin. Isinasalaysay ang detalyadong kwento bago ang aktuwal na kremin. Upang mas maunawaan pa ng mas nakararami kung ano ang puno't dulong dahilan, kung bakit nagawa ang pagkitil. Kung kayo po ay tulad ko na mahilig sa ganitong uri ng kwento, ang podcast na'to ay para po sa inyo. Tara na't ating alamin ang karima-rimarim na kwento, sa likud ng bawat crime scene.

HOSTED BY

Crime Scene Tagalog Stories

CATEGORIES

Frequently Asked Questions

How many episodes does Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes have?

Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes currently has 50 episodes available on PodParley. New episodes are automatically indexed when they're published to the podcast feed.

What is Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes about?

Mga kremin sa buong dako ng mundo na isinalin sa wikang atin. Isinasalaysay ang detalyadong kwento bago ang aktuwal na kremin. Upang mas maunawaan pa ng mas nakararami kung ano ang puno't dulong dahilan, kung bakit nagawa ang pagkitil. Kung kayo po ay tulad ko na mahilig sa ganitong uri ng kwento,...

How often does Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes release new episodes?

Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes has 50 episodes. Check the episode list to see recent publication dates and frequency.

Where can I listen to Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes?

You can listen to Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes on PodParley by clicking any episode. We provide an embedded audio player for direct listening, and you can also subscribe via your preferred podcast app using the RSS feed.

Who hosts Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes?

Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes is created and hosted by Crime Scene Tagalog Stories.
URL copied to clipboard!