BAKIT BIGLANG NAWAWALA ANG MGA BATA SA LOOB NG LUGAR NA TINATAWAG NILANG BLACK HOLE?? episode artwork

EPISODE · Jun 21, 2023 · 31 MIN

BAKIT BIGLANG NAWAWALA ANG MGA BATA SA LOOB NG LUGAR NA TINATAWAG NILANG BLACK HOLE??

from Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes · host Crime Scene Tagalog Stories

Inilalarawan ng mga psychiatrist ang mga serial killer, na sa pangkalahatan ay nasa magandang estado ng buhay. Kabalintunaang ang ilan sa mga pinakakilalang serial killer sa kasaysayan, ay mga kilalang miyembro ng lipunan. Maaring isang katrabaho, kapitbahay, o marahil ay isang kamag-anak. Nagkukubli, sa likud ng magandang katayuan. Kaya’t hindi napaghihinalaan. Kagalang-galang sa panlabas, halimaw sa loob. Ang kuwentong ito ay puminta ng isang larawan ng class warfare, na umiral mula pa noong unang panahon sa isang lipunan. Na sumusunod sa caste system. At ang mapangwasak na epekto nito sa mga kabataan, at mga mahihinang miyembro na kabilang sa pinakamababang estado. Kumusta? Ang kasong ito ay sangkot, hindi lang sunud-sunod na pagpatay, kabilang narin ang mga pagdukot, sekswal na pang-aabuso sa bata, organ trading, kanibalismo, pedophilia, at necrophilia. Inilarawan ang kasong ito ng Special Central Bureau of Investigation Court ng India, bilang ang pinakabihirang sa bihira. Dahil sa uri ng kalupitan, at kalikasan ng mga krimeng ito na nangyari sa buong kasaysayan ng bansa. Ang mga pagpatay sa Nithari India, ay ang siyang gumimbal ng husto sa buong bansa, noong 2006. Bago po tayo magpatuloy, munting babala. Hindi po ito para sa mga taong masisilan. Kaya’t kung kayo po ay isa doon, mangyaring lagpasan niyo na lang po ang isang ito. Salamat po. House number five, sa sector 31, Block D. Isang mayamang Suburb na matatagpuan sa gilid ng Nithari Village, ay tinawag na India's house of horror noong December 29, 2006. Nang mahukay ng pulisya ang mga labi ng kalansay, ng maraming nawawalang mga bata sa Nithari. Sa drainage sa likod ng bahay, ng isang mayamang negosyanteng si Mohinder Singh Pandher, at ng kanyang katulong na si Surinder Koli. Ang Nithari, ay isang nayon sa New Okla Industrial Development Authority. Kilala rin bilang Noid, sa kanlurang bahagi ng estado ng Uttar Pradesh sa India. Ang mga slum na to, ay tahanan ng kapus-palad na komunidad, na biktima ng sekswal na pananamantala, child trafficking, at organ trading. Sa tabi mismo ng Nithari, ay ang marangya at gated na komunidad ng Sector 31. Mayroon itong mga villa at mansyon, at mga mamahaling sasakyan, na madalas na nakaparada sa mga sementadong kalye nito. Magkahiwalay ang dalawang komunidad. Pinaghihiwalay lamang ng isang abalang kalye, na may nakaambang tangke ng tubig sa ibabaw nito

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Jun 21, 2023

Embed this episode

NOW PLAYING

BAKIT BIGLANG NAWAWALA ANG MGA BATA SA LOOB NG LUGAR NA TINATAWAG NILANG BLACK HOLE??

0:00 31:05

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes?

This episode is 31 minutes long.

When was this Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes episode published?

This episode was published on June 21, 2023.

Can I download this Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!