NAKUNAN PA NG CCTV CAMERA ANG TUNAY NA NANGYARI.. episode artwork

EPISODE · May 4, 2024 · 10 MIN

NAKUNAN PA NG CCTV CAMERA ANG TUNAY NA NANGYARI..

from Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes · host Crime Scene Tagalog Stories

Kumusta? Ang kasong ating pag uusapan ngayon, ay nangyari sa United Kingdom, nung May 6, 2022. Ang 23 years old na si Alice Woods ay lumaki sa Staffordshire. Meron siyang dalawang kapatid na lalaki at mula sa mapagmahal na pamilya. Pero nung bata pa siya, naghiwalay ang kanyang mga magulang. At bilang resulta, nahati ang kanilang kustudiya. Ayon sa mga malalapit kay Alice, napakatalino niyang dalaga. Napakahusay niya sa akademya. Napakahilig niya rin sa mga hayop. Mahal niya ang mga tu. At malamang na kumuha ng kursong beterenaryo. Gayunpaman, ibang kurso ang kanyang kinuha. Nag aral siya sa Manchester University at piniling kumuha ng Pilosopiya, Teolohiya, at Etika. Sineseryoso ni Alice ang kanyang pag-aaral. Palagi siyang nagsusumikap na makuha ang pinakamatataas na markang kaya niya. Kahit hindi pa nakakapagtapos, inalok na rin siya ng scholarship para mag aral ng Master's Degree sa Campbridge. Masasabing may napakaganda na talagang hinaharap ang dalaga. Meron din siyang nobyo. Ang 24 years old na lalaking nagngangalang Ryan Watson. Nagkakilala ang dalawa, nung simula ng lockdown nung March, 2020. Naging subrang malapit, at nagkamabutihan. At sa katunayan, sa loob ng 6 na buwan nilang relasyon, nagpaplano na silang magpakasal. 2021, nagpasya na ang dalawang magsama. Humingi sila ng tulong sa kanilang mga magulang, at nakabili ng sarili nilang bahay sa Cheshire. Sa mga panahong 'tu, nagsimula ng magtrabaho si Ryan bilang Support Worker, sa Brain Charity Headway. Ayon sa mga nakakakilala at nakatrabaho ni Ryan, napaka popolar ni Ryan, at talagang iginagalang ng marami. Gustong-gusto ni Ryan ang kanyang trabaho, dahil gusto niyang gumawa ng positibong pagbabago sa buhay ng mga tao. May 6, 2022, inimbitahan sina Ryan at ang kanyang mga kasamahan, sa isang birthday party ng isa kanilang mga Staff. Gaganapin ang nasabing party sa isang Bar. At sa pagkakataong tu, tinanong ni Ryan si Alice kung gusto ba nitong sumama. At pumayag naman tu. Nagbihis ang dalawa, at pumunta sa event. Nung una, maganda ang takbo ng mga bagay-bagay. Makikita sa CCTV'ng nagkakatuwaan ang dalawa. Pero ayon kay Alice, agad ding nagbago ang mga bagay-bagay nung gabing yun. Sa party, nakikisalamuha si Ryan sa ibang mga bisita, at nakikipag-usap sa iba pang mga dumalo. Napansin naman ng mga bisitang dumalo ng gabing yun, na tila hindi nasisiyahan si Alice, sa atensiyong binibigay ni Ryan sa ibang tao bukod sa kanya. At sa partikular, iba pang mga kababaihan.

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published May 4, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

NAKUNAN PA NG CCTV CAMERA ANG TUNAY NA NANGYARI..

0:00 10:39

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes?

This episode is 10 minutes long.

When was this Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes episode published?

This episode was published on May 4, 2024.

Can I download this Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!