‘Sabwatan sa pera ng bayan’ (Aired December 3, 2024) episode artwork

EPISODE · Dec 3, 2024 · 15 MIN

‘Sabwatan sa pera ng bayan’ (Aired December 3, 2024)

from Think About It by Ted Failon · host 105.9 True FM

#TedFailonandDJChacha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19! Bicameral Conference Committee. Bicam. Ang pagpupulong ng mga kinatawan ng House of Representatives at Senado, para pag-usapan at desisyunan ang hindi pinagkakasunduang mga probisyon sa isang panukalang batas gaya ng panukalang pambansang budget.  Iminamandato ng ating Konstitusyon — maliban lamang sa usaping may kinalaman sa pambansang seguridad — na ang lahat ng pinag-uusapan sa bawat kapulungan ng Kongreso ay may rekord na dapat ding inilalathala para sa kaalaman ng publiko.  Transparency ang diwa ng probisyong ito, o ang pagiging bukas sa publiko ng Kongreso sa mga deliberasyon at desisyon ng mga miyembro nito. Pero tila hindi nasusunod ang probisyong ito ng Saligang Batas sa ginagawang pagpupulong ng Bicameral Conference Committee sa ating pambansang budget.  Kung kaya’t kapag naging ganap na batas na ang pambansang budget, doon lamang lumalabas ang mga naisingit na probisyon sa bicam tulad ng pagkuha sa sobrang pondo ng PhilHealth at paglalaan ng labis na pera para sa isang ayuda program na wala naman sa panukalang budget ng Malacañang — mga probisyon na ikinagulat hindi lang ng publiko, kundi pati ng mga senador at ilang kongresista.  Sa haba ng panahon at laki ng gastos para sa deliberasyon ng pambansang budget, ang sasabihin lang ng mga mambabatas ay, “Nalusutan kami?”  Kung mismong ang mga senador at mga kongresista ay nalulusutan ng sabwatan sa pera ng bayan, paano pa kaya tayong mga pangkaraniwang mamamayan? Think about it. #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV 

Episode metadata supplied by the publisher feed · Published Dec 3, 2024

Embed this episode

NOW PLAYING

‘Sabwatan sa pera ng bayan’ (Aired December 3, 2024)

0:00 15:38

No transcript for this episode yet

We transcribe on demand. Request one and we'll notify you when it's ready — usually under 10 minutes.

No similar episodes found.

No similar podcasts found.

Frequently Asked Questions

How long is this episode of Think About It by Ted Failon?

This episode is 15 minutes long.

When was this Think About It by Ted Failon episode published?

This episode was published on December 3, 2024.

Can I download this Think About It by Ted Failon episode?

Yes. Use the download control on the episode player to save the publisher-provided media file.
URL copied to clipboard!