PODCAST · news
Think About It by Ted Failon
by 105.9 True FM
Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
Episodes
-
Modus: Alokasyon sa importasyon (Aired Feb. 24, 2026)
Sa kasagsagan ng imbestigasyon sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO, nabisto na ang POGO operator sa Bamban, Tarlac ay gumamit ng market at barbecue vendors at call center agent bilang dummy incorporators. Habang sa flood control scandal, nabuko na ang ilang opisyal ng DPWH ay gumagamit...
-
Magpakahirap para sa mga korap (Aired December 4, 2025)
Kulang ang pera ng gobyerno — iyan ang madalas sabihin ng mga opisyal ng pamahalaan kaya hindi mabigyan ng sapat na pananalapi ang mahahalagang proyekto at programa na totoong pakikinabangan ng mga mamamayan.Subalit lumabas sa mga pagdinig sa Senado kaugnay ng mga proyekto ng DPWH at flood…
more -
‘Sasabog na: Poot ng bayan!’ (Aired October 30, 2025)
Malinaw na isinasaad sa ating Konstitusyon na ang mga miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso ay hindi dapat maging interesado sa pananalapi nang tuwiran o di-tuwiran sa ano mang kontrata na ipinagkaloob ng pamahalaan, sa loob ng taning ng panahon ng kanyang panunungkulan. Ngunit sa...
-
Purgahin ang gobyerno! (Aired October 17, 2025)
Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na kung siya ang tatanungin, bubuwagin at magtatayo na lang siya ng bagong Department of Public Works and Highways dahil paano mo lilinisin ang ahensya kung buong Pilipinas ay may korap na DPWH officials. Pero paano ba ang sistema ng korapsyon…
more -
‘People of the Philippines -versus- the corrupt’ (Aired October 6, 2025)
'Public office is a public trust. Today, the trust is broken.' Ito ang paninindigan ng Ateneo School of Government sa harap ng pinakamalaking iskandalo tungkol sa korapsyon na ngayon ay kinakaharap ng bayan kaugnay ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways. Nangyayari ang walang...
-
Baliktarin na ang bandila? (Aired September 16, 2025)
Mahigit 10 ghost at questionable projects na ang nadiskubre sa distrito ni dating Bulacan 1st DEO District Engineer Henry Alcantara na isa sa mga tinaguriang "BGC BOYS" o Bulacan Group of Contractors na ibinunyag ni Senator Ping Lacson na nagpapatalo umano ng milyon-milyon at nagpapapalit umano…
more -
‘May aamin kaya sa mga walang hiya?’ (Aired August 13, 2025)
Bilang pagtupad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang binitawang pangako sa SONA noong July 28 na susuriin at ilalabas ang listahan ng lahat ng flood control projects sa panahon ng kanyang panunungkulan, inilunsad ang 'Sumbong sa Pangulo' website noong August 11. Nagbigay rin ng ulat ang...
-
Mahiya kaya ang mga walang hiya? (Aired July 30, 2025)
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, sa loob ng 15 taon, ang DPWH ay gumasta na ng humigit kumulang dalawang trilyong piso para sa flood management program, na katumbas ng P350 milyon na araw-araw na paggasta para ayusin ang problema sa pagbabaha. Pero bakit nga ba patuloy tayong binabaha kung palaki...
-
Prime suspects sa PrimeWater? (Aired July 10, 2025)
Ang PrimeWater Infrastracture Corporation na sinasabing pagmamay-ari ng pamilya Villar ay kasalukuyang umabot na sa pitumpu't pito ang kontrata sa iba't-ibang local water districts sa buong bansa. Bago pa man ipinag-utos ng Pangulong Marcos Jr. ang malalimang imbestigasyon sa kanilang operasyon...
-
Leadership Crisis = Learning Crisis (Aired June 25, 2025)
Nakababahala ang inihayag ng isang opisyal ng United Nations Children's Fund (UNICEF) na may totoo at malawakang krisis sa edukasyon ang Pilipinas. Kahit ang Pangulong Bongbong Marcos ay umamin na napabayaan talaga ang edukasyon sa bansa na nagresulta sa kakulangan sa mga silid-aralan, kakulangan...
-
'Bigong-Bigong Mamamayan' (Aired May 22, 2025)
Upang matulungan ang mahihirap na Pilipino na makabili ng murang bigas, at tulungan na mabawasan ang stock ng bigas sa mga napupunong bodega ng National Food Authority (NFA), ipinanganak ang proyektong 'Benteng Bigas Meron na!'. Pero hindi simple ang programang ito dahil para maibenta ng bente...
-
‘Eleksyon: Pinto ng mga oportunista!’ (Aired May 8, 2025)
Napakasimple lamang ng kwalipikasyon sa Pilipinas para maging isang halal na lingkod bayan. Ito ay para magkaroon ng patas na oportunidad ang mga Pilipino – mahirap o mayaman, mataas man ang pinag-aralan o hindi–na lumahok sa halalan at mabigyan ng pagkakataon na manungkulan sa pamahalaan.…
more -
‘Abonado na naman ang taong bayan!’ (Aired March 26, 2025)
Taong 2017, nagsimula ang konstruksyon ng Unified Grand Central Station o tinatawag na common station. Pagkatapos ng ilang debate kung saan ito dapat itayo, ito ay itinatayo ngayon sa pagitan ng SM North Edsa at Trinoma kung saan magtatagpo-tagpo ang LRT-1, MRT-3 at MRT-7. Matagal na sanang tapos...
-
‘Bugok na regulatory board?’ (Aired March 12, 2025)
Naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular 2024-040 na inoobliga ang lahat ng mga driver at konduktor ng lahat ng pampublikong sasakyan na sumailalim sa labing-anim na oras na lecture at training na ibibigay ng LTFRB-accredited driving schools. P2,000 ang Minimum Prescribed Fee para sa naturang...
-
‘Pahiya ang gobyerno?’ (Aired March 6, 2025)
Taong 2017, isinulong ng administrasyong Duterte ang PUV Modernization Program. Mula 2017 ay nagkaroon na ng siyam na extension sa deadline ng industry consolidation o ang pagbuo ng mga korporasyon at kooperatiba ng jeepney drivers at operators kung saan ang hindi susunod ay awtomatikong tanggal...
-
‘Impeachment trial: Forthwith patagalin?’ (Aired February 13, 2025)
Sa huling araw ng sesyon ng Kongreso, bago ang kanilang recess para sa Halalan, nilagdaan ng 215 na mga Kongresista ang Verified Complaint for Impeachment para papanagutin si Vice President Sara Duterte sa anila'y Culpable Violation of the Constitution, Betrayal of Public Trust, Graft and...
-
‘Political thieves: Firing squad?’ (Aired February 5, 2025)
Walang habas at hindi na natitigil ang korapsyon sa Pilipinas na siyang dahilan ng patuloy na paghihirap ng napakaraming pamilyang Pilipino. Kaya isang mambabatas ang nagsusulong ng batas na magpapataw ng death penalty sa pamamagitan ng firing squad, para sa mga opisyal ng pamahalaan na...
-
‘Puro pangako, puro paasa!’ (Aired January 23, 2025)
Sa inilabas na Executive Order No. 62 ni Pres. Bongbong Marcos noong Hunyo 2024 na nagbaba ng taripa sa imported rice, inasahan ng gobyerno na bababa rin ang presyo ng bigas sa mga palengke. Bilyon-bilyong piso na ang nawalang pera ng bayan dahil sa pagpapababa ng taripa subalit hanggang ngayon…
more -
‘Kabuktutan sa demokrasya’ (Aired January 15, 2025)
Sinasabing may demokrasya sa Pilipinas sapagkat inihahalal natin ang mga lider ng bansa sa pamamagitannnt umano'y malayang halalan. Subalit demokrasya rin ang madalas na pangsalag ng mga dumidepensa kapag may kumukwestyon sa ginagawang pagpapatakbo ng gobyerno sa Pilipinas. Sa kasalukuyang...
-
Mga swapang sa pera (Aired December 19, 2024)
#TedFailonandDJChaCha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19! Ang Universal Health Care Act at ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang dapat sana'y sandalan ng mga Pilipino sa panahon ng pagkakasakit. Subalit bigo sila sa pagpapatupad ng mandatong ito. At mas lalo pang...
-
‘Sabwatan sa pera ng bayan’ (Aired December 3, 2024)
#TedFailonandDJChacha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19! Bicameral Conference Committee. Bicam. Ang pagpupulong ng mga kinatawan ng House of Representatives at Senado, para pag-usapan at desisyunan ang hindi pinagkakasunduang mga probisyon sa isang panukalang batas gaya ng panukalang...
-
‘Kuntsabahan na naman!’ (Aired November 27, 2024)
Inyo bang naaalala ang dalawang hypercar na Red at Blue Bugatti na tumawag sa atensyon hindi lamang ng publiko kundi maging ng Senado dahil nalantad na ang dalawang bugatti ay smuggled at ang mga plaka at rehistro ay kwestyunable? Ibinebenta na ng Bureau of Customs (BOC) ang mga isinukong…
more -
'Impeachment?' (Aired November 5, 2024)
#TedFailonandDJChacha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19! Umuugong ang usap-usapan tungkol sa posibleng paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa hindi maipaliwanag na paggasta ng confidential funds ng tanggapan ng bise presidente at ng DepEd sa panahon...
-
‘Kasakiman = Kalamidad’ (Aired October 29, 2024)
Kahirapan at mataas na antas ng korapsyon–ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nanguna ang Pilipinas sa pinakabagong World Risk Index o listahan ng mga bansang mas matindi ang nararanasang epekto sa pagtama ng mga sakuna. Naaabuso ang salitang "resilient" na katangian ng mga Pilipino sa panahon...
-
“Uto-utong bayan?’ (Aired October 22, 2024)
Lumalabas sa pinakahuling pagtatanong ng Social Weather Stations (SWS) na higit 16 milyong pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap. Ngayong taon lamang, ang Kongreso ay naglaan ng higit 160 bilyong piso para sa pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng mga programang…
more -
‘Kabuktutan sa party-list’ (Aired October 8, 2024)
Ang diwa ng party-list system sa Saligang Batas ay para magkaroon ng representante sa Kongreso ang mga miyembro ng lipunan na tinaguriang marginalized, o mga sektor na hindi binibigyang halaga, at underrepresented, o mga sektor na kulang ang representasyon. Ngunit sa nagdaang party-list…
more -
‘Kumunoy ng pangako’ (Aired September 24, 2024)
Ipinangako ng mga taong gobyerno na nag-apruba sa Executive Order No. 62 noong Hunyo na ang kautusan na ito ay magpapababa sa presyo ng bigas at magpapatatag sa supply nito. Kaya sa harap ng maingay na protesta ng iba't-ibang grupo sa sektor ng agrikultura, itinuloy ang pagpapatupad sa EO 62, na...
-
'Dishonor the tradition' (Aired September 17, 2024)
Sa naganap na mga hearing kamakailan lamang sa 2025 budget ng DOTr at DPWH, tila nagulat at naguluhan ang ilang miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nawalan ng pondo ang malalaki at pangunahing proyekto ng dalawang ahensya na ito—mga reaksyon na mahirap tanggapin dahil sila rin naman…
more -
'SILA-SILA RIN, EH!’ (Aired September 3, 2024)
Isa sa mga diwa at adhikain ng ating demokrasya ay ang prinsipyo ng checks and balances. Sa tatlong sangay ng gobyerno, poder ng Kongreso na aralin, suriin, at pangalagaan ang paggasta sa pera ng bayan. Kung totoo ngang gumagana ang prinsipyo ng checks and balances sa Pilipinas, bakit mabilis na...
-
‘INHUSTISYA!’ (Aired August 20, 2024)
Paglago ng ekonomiya, pagbaba ng antas ng kahirapan—iyan ang malugod na inanunsyo ng ating gobyerno kamakailan lamang. Ngunit kung susuriin ang 2023 Poverty Statistics na inilathala ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na ang mga rehiyon na may mas mataas na inflation rate at mas...
-
"Mga kasabwat?" (Aired August 8, 2024)
Ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay nagkakaroon ng budget hearing kung saan dapat hinihimay nang lubos ang bawat departamento, at ang mga programa ng mga departamentong ito na paglalaanan ng pera ng bayan. Ang Kamara at Senado ang nag-aapruba sa paglalaan ng bilyon-bilyong piso para sa flood...
-
"Basura sa gobyerno" (Aired July 30, 2024)
Mula 2016 hanggang 2023 aabot na sa 854 bilyong piso ang kabuuang halaga na inilaan ng bayan para sa flood control at flood management program ng gobyerno. Magkaiba pa ang budget ng DPWH at MMDA at mistulang bumabaha ang pera ng bayan na inilalaan para sa problema ng pagbaha. Pero sa halip na...
-
"Servant of the People?" (Aired July 25, 2024)
Noong Lunes, July 22, napanood ng mga Pilipino ang marangya at engrandeng SONA ng Pangulong Marcos Jr. Isang araw lamang pagkatapos nito mga imahe na ng reyalidad sa paghihirap ng mga Pilipinong sinalanta ng Bagyong Carina at habagat ang lumantad sa atin. Sa SONA, full force ang paggamit sa...
-
'Papalakpak ka rin ba?' (Aired July 18, 2024)
Para saan ba ang State of the Nation Address (SONA)? Reunion ba raw ito ng mga dinastiya na ang turing sa gobyerno ay family business? Ito ba ay fashion show ng mga milyonaryo at bilyonaryong mambabatas? Magkano ba ang totoong gastos ng bayan sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos Jr. sa July 22,...
-
'Bakit Bayan Na Naman...?' (Aired July 11, 2024)
Mula 2021 hanggang sa kasalukuyan, umabot na ng 89.9 billion pesos ang subsidiya ng gobyerno na hindi pa nagagamit ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth. Dahil dito binabawi ng Department of Finance ang naturang subsidiya, na galing naman sa koleksyon ng gobyerno sa sin taxes....
-
'Sino ang Pahamak?' (Aired June 20, 2024)
Mula nang ilunsad ng Department of Transportation ang PUV modernization program noong 2017, nakailang ulit nang nagbanta ang DOTr at LTFRB na huhulihin ang mga driver-operator ng mga pampublikong sasakyan na hindi susunod sa modernisasyon. April 30, 2024 ang ikawalong itinakdang deadline ng...
-
'POGO: Benepisyo o Perwisyo?' (Aired June 13, 2024)
Pera ang sinasabing dahilan ng mga nagtatanggol sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO. Perang kinikita ng PAGCOR at ng pamahalaan mula sa POGO. Sa harap ito ng lumalakas na panawagan na tuluyan nang ipagbawal ang lahat ng POGO sa Pilipinas dahil sa tumitinding kriminalidad na...
-
'No Ease of Doing Business' (Aired June 4, 2024)
Nagsimula ang konstruksyon ng dalawampu't dalawang kilometrong Metro Rail Transit Line 7 o MRT-7 noong 2016 at ipinangalandakan ng Kalihim noon ng Department of Transportation na makapagsisimula ang operasyon ng tren sa huling bahagi ng 2019, subalit hindi ito nagkatotoo. Sa katunayan, 2008 pa...
-
'Padalos-dalos na naman' (Aired May 23, 2024)
Hindi pa man bumababa sa bente pesos ang presyo ng kada kilo ng bigas kagaya ng ipinangako ng noo'y tumatakbong Pangulong Marcos Jr., may ipinapangako na naman ngayon ang ilang taong gobyerno na kayang pababain hanggang trenta pesos per kilo ang bigas kung maipapasa ang amyenda sa Rice...
-
'Global Boiling' (Aired May 9, 2024)
Tapos na ang global warming, at dumating na ang panahon ng global boiling. Naitala na pinakamainit na panahon sa kasaysayan ng mundo ang mga taong 2014-2023, at walang duda na ang kasalukuyang taon ay maisasama bilang isa sa pinakamainit na taon. Tatlong beses na bumilis ang pag-init ng mundo…
more -
'Dynasties are Forever?' (Aired April 25, 2024)
Minamandato ng ating 1987 Constitution ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng Pilipino para maging lingkod bayan sa pamamagitan ng pagbabawal ng political dynasties. Pero kailangan ng batas na tutukoy dito. Ang kaso, higit tatlong dekada na mula nang ipatupad ang konstitusyon, bigo…
more -
'Napasubo?' (Aired April 18, 2024)
Ang April 30 deadline para sa consolidation ng mga prangkisa ng lahat ng public utility vehicles sa bansa ay wala na raw extension pa. Inabot na nga ng walong extension ang deadline subalit wala pa ang Route Rationalization Plan na siyang pinakaimportanteng bahagi ng PUV Modernization Program.…
more -
'Tip of the Iceberg' (Aired April 4, 2024)
Nobyembre 2023 nang kumalat online ang mga litrato at video ng isang pula at isang asul na Bugatti Chiron na ibinibida sa mga kalye ng Metro Manila. Nagkakahalaga ng halos 170 million pesos ang bawat isang Bugatti at ang buwis na dapat bayaran para rito ay halos katumbas ng halaga ng bawat isang...
-
'Toys for the Rich Boys' (Aired March 7, 2024)
Ferrari, Lamborghini, Porsche, at McLaren. Mga tinaguriang supercars! At meron pang hypercars kagaya ng Bugatti na ang halaga ng bawat isang kotse ay halos 170million pesos! Ibinibida sa ating mga kalsada ang mga kotseng ganito. Ang tanong: nagbayad ba ng tamang buwis ang mga may-ari nito? Dahil…
more -
‘Impunity for Corruption’ (Aired February 29, 2024)
Bilang tugon sa mga nangyaring pandarambong sa kaban ng bayan noong panahon ng diktadurya, ipinasa ng Kongreso noong 1991 ang Plunder Law. Subalit hanggang ngayon, nagpapatuloy ang walang habas na pagnanakaw sa pera ng bayan. Talamak pa rin ang korapsyon. Sa pinakabagong report ng Transparency...
-
'Tama na... Sobra na!!!' (Aired February 22, 2024)
Ang kaban ng bayan ay dapat laan sa mga mamamayang Pilipino at hindi nawawaldas para sa pansariling interes lamang. Ngunit sa bulok na kalakaran ng Kongreso sa pagdinig sa badyet ng bayan, may mga nakakalusot na bilyones sa mga proyekto na kahit ang mga ahensya ay walang alam na naglaan ng pera...
-
'Lubayan ang Konstitusyon' (Aired Feb. 15, 2024)
Patuloy ngayon ang pagdinig ng Senado at Kamara para sa pag-amyenda ng Saligang Batas, partikular na ang mga economic provisions nito na naglilimita sa foreign ownership ng mga public utilities tulad ng tubig, kuryente, at telecommunications. Kung maaprubahan ang Resolution of Both Houses No. 6…
more -
‘Bagong Pilipinas, Daw?’ (Aired January 30, 2024)
"Bagong Pilipinas", ito ang pinangangalandakang tatak daw ng pamamahala at liderato ng kasalukuyang administrasyon na humihikayat sa pagbabago ng lahat ng sektor ng lipunan at pamahalaan para sa ikauunlad daw ng bayan. Pagbabago bang maituturing kung tuloy pa rin ang hakot system? At talamak ang...
-
THINK ABOUT IT by TED FAILON ‘Laging Pera’ (Aired January 23, 2024)
Anim na taon mula nang maisabatas ang Rice Tariffication Law, tinatayang aabot na sa higit 50 bilyong piso ang dapat na pondo ng Rice Competitiveness Enhance ment Fund (RCEF) na para sa mga pangangailangan ng mga magsasaka. Habang sa ilalim ng General Appropriations Act, bilyon-bilyong piso rin…
more -
‘People’s Initiative’? (Aired January 16, 2024)
Usap-usapan ang ipinapakalat ngayong papel na pinapipirmahan sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas na ang layunin ay baguhin ang isang probisyon sa ating saligang batas sa pamamagitan ng tinatawag na people's initiative. Talamak ang panlilinlang sa nga botanteng Pilipino para pumirma sa petisyon, na...
We're indexing this podcast's transcripts for the first time — this can take a minute or two. We'll show results as soon as they're ready.
No matches for "" in this podcast's transcripts.
No topics indexed yet for this podcast.
Loading reviews...
ABOUT THIS SHOW
Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
HOSTED BY
105.9 True FM
CATEGORIES
Loading similar podcasts...