EPISODE · Oct 29, 2023 · 13 MIN
TUMALON O TINULAK? ANO NGA BA ANG NANGYARI SA MAGANDANG MODELONG SI RUSLANA..??
from Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes · host Crime Scene Tagalog Stories
Isang modelo ang misteryosong nahulog mula sa isang ikasiyam na palapag na bintana. Aksidente lang ba to? O may mas masama pang nangyayari? Isa yung mainit na araw ng sabado. Sumasabay sa hangin ang amoy ng mainit na semento. At kumikinang dito ang repleksiyon ng salamin ng matatas na gusali. Karaniwang matao at dagsa ng mga bangkero't negosyante ang mga lansangan. Pero dahil Sabado noon, kaya medyo tahimik. 2:30 ng hapon, June 28, 2008, sa kanto ng Wall Street sa Financial District ng New York, narinig ng mga dumadaan ang isang malakas na tunog ng animoy lagapak. Ilang tao lang ang nakarinig ng tunog na yun, na sa kalaunan ay nalamang ang modelong si Ruslana Korshunova pala, na tumatalon mula sa ikasiyam na palapag ng kanyang apartment building, pabagsak sa mga konkretong kalye sa baba. Ayon sa autopsy, walang palatandaan sa katawan na nakipag away ang babae. At wala ding mga palatandaan, ng mga bawal na gamot sa sistema ng dalaga. Siya ay 20 years old. At hindi man lang nag iwan ng kahit anung sulat matapos tumalon. Ayon sa ilan, ito ay isang klasikong paraan upang tapusin ang yong buhay. Ang tumalon mula sa gusali. At sinabing maaring hindi na nakayanan ng dalagang Ruso, ang mundo ng mga modelo.
Embed this episode
NOW PLAYING
TUMALON O TINULAK? ANO NGA BA ANG NANGYARI SA MAGANDANG MODELONG SI RUSLANA..??
No transcript for this episode yet
Similar Episodes
No similar episodes found.
Similar Podcasts
No similar podcasts found.