Skip to content
WALA LANG podcast artwork

PODCAST · religion

WALA LANG

by Mamemepe

“Dahil paano mo nga naman lalapatan ng salita ang WALA? Imposible.”

Publisher-supplied feed metadata · PodParley refreshed Jan 3, 2022 · Source feed

Episodes

  1. WALA LANG Audio Book: KONEKSYON NG HENERASYON

    Kaibigan, kung alam mong hindi ka papKaibigan, kung alam mong hindi ka papalya, ano kaya ang susubukan mong gawin?lya, ano kaya ang susubukan mong gawin?

  2. WALA LANG Audio: “TAGA-ILOG NG AMADEO (Isang liham para sa aking anak)”

    Hunyo 28, 2020 (panahon ng krisis ng kamalayan at pandemya ng kamangmangan) Anak, Kung nababasa mo ang liham na ito ibig sabihin nun ay marunong ka nang magbasa, magsulat, magsalita, at, higit sa lahat, marunong ka nang makinig. Nais ko lang magkwento sa’yo ng ilang istorya at karanasan habang...

  3. WALA LANG Audio: “LUCKY ME O MARUYA?”

    Habang sinusulat ko ang akdang ito ay kasalukuyang nagmumutarga ang aking tatay, dahil sa tanang buhay nya (67 taong gulang), ngayon lang nya mararanasan na walang magaganap na fiyesta dito sa aming bayan. Ang fiyesta ay isang tradisyon ng pagdiriwang para sa masagang ani tuwing panahon ng...

  4. WALA LANG Audio: “ANG MAKASALANANG KASAL”

    “Ang punto ba ng isang relasyon ay ang mauwi sa kasal?” Madalas kong naitatanong yan sa mga magkakarelasyon. Kasal. ...

  5. WALA LANG Audio Book: “TRABAHONG PAYASO (PUBLIC SPEAKING)”

    “Ano ang PINAKAKINAKATAKUTAN mo?” Iyan ang pauna kong tanong sa mga taong nag-aaksaya ng panahon upang lumahok at makinig sa mga ibinibigay kong workshopbilang, sa kamalas-malasan, isang PUBLIC SPEAKER. Anong isasagot mo rito? ...

  6. WALA LANG Audio Book: “MESSIAH’D”

    Madalas kong naitatanong kapag napapadpad na sa relihiyon ang pinag-uusapan kapiling ang mga taong tila baga’y maraming alam o malalim ang pinag-aralan sa teolohiya, o yung mga taong masyadong opinyunado sa usapin ng pananampalatayang Kristiyano, “Kung magpapakita ba sa’yo ngayon si Kristo,...

  7. WALA LANG Audio Book: "WALANG MALISYA (HUBAD NA KATOTOHANAN)"

    Kailan ka huling naligo nang hubad sa ilog? O kailan ka huling naligo sa ilog? O kailan ka huling napadpad sa ilog? Nuong araw daw, base sa kwento ng mga matatandang nakakasabay kong maligo sa ilog, naliligo raw sila nang sabay-sabay at walang saplot. Kita ang mga pribadong bahagi ng kanilang...

  8. WALA LANG Audio Book: “TAKE IT EASY”

    Kaibigan, dito ko na puputulin ang ating usapan. Kung mayroon pang susunod ay abangan mo na lang. Pero hindi ako nangangako, alam mo ‘yan. ...

  9. WALA LANG Audio Book: “KAIBIGAN”

    Kaibigan, hindi ko alam ang iyong pangalan. Wala akong ideya kung ano man ang iyong kalagayan. Hindi ako sigurado kung masaya ka ngayon o kung nababalot ka ba ng kalungkutan. ...

  10. WALA LANG Audio Book: “KAILAN KA NGA BA MULING MAGIGING TAO?”

    KAILAN KA NGA BA HULING UMUPO? KAILAN KA NGA BA HULING PUMIKIT? KAILAN KA NGA BA HULING HUMINTO? ...

  11. WALA LANG Audio Book: “TRANSISYON”

    Kaibigan, tandaan mong hindi mahalaga kung ano ang nangyari sa atin. Ang mahalaga ay kung anong gagawin natin sa nangyayari sa atin. At kung may isang mahalagang mapupulot sa transisyong pinagdaraanan ng sangkatauhan ngayon, ito ay ang realisasyong tayo ay nasa gitna ng isang KRISIS NG KAMALAYAN....

  12. WALA LANG Audio: “SIMULA NG KATAPUSAN”

    Kaibigan, nalalapit na nga tayo sa katapusan ng maikli nating kwentuhan bagaman mukha akong tanga dahil ako lang ang nagsasalita. Sana ay makarinig din ako ng kahit ano mula naman sa’yo. Nais ko na lang ding tapusin ito sa ilan pang mga kwentong may kinalaman sa KATAPUSAN. ...

  13. WALA LANG Audio Book: “IBANG GENESIS”

    Base sa aklat ng Genesis 1:1, “Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at lupa.” Sa isang mausisang bata ay maaari niyang itanong, “Eh ano naman po ang ginagawa ng Diyos bago niya likhain ang langit at lupa?” Oo nga no? ...

  14. WALA LANG Audio Book: “SINO BA AKO?”

    Sabi ng mga pilosopo, “Ang karunungan ay nagsisimula sa pagkilala sa sarili.” Ngunit, sa isang banda, posible bang makilala ang sarili ng sarili? Ano ba ang sarili? ...

  15. WALA LANG Audio Book: “TAHAN NA PO”

    Nanananghalian kami ng aking mga magulang at napunta ang aming usapan sa tanong na, “PAANO KUNG ITO NA PALA ANG LANGIT?” Lahat kasi kami ay nakaranas nang pansamantalang mahimatay at mawalan ng malay – malay-tao, sa lebel ng pangkaraniwang-buhay na pamilyar sa atin dito sa mundong kinalakihan...

  16. WALA LANG Audio Book: “DILAG”

    Kaibigan, ilang araw na lang at malapit na ang aming pag-iisang dibdib ni Virginia. Sinasabi ko sa’yo, napakaswerte kong sadya dahil hindi ko na inaasahang sa akin ay may magmamahal pa. Kanina, habang nakapikit at pinagninilayan ang kasaysayan ng buhay na ito, aking napagtantong ang aming muling...

  17. WALA LANG Audio Book: “ILUSYON”

    Kaibigan, isa sa mga pinakamabisang paraan ng pagbabago ng kultura ay ang makita mo ang iba’t ibang ilusyong nagsisilbing pundasyon nito. Ito ang mga ilusyong humuhubog sa kaisipan ng tao na siya namang huhubog sa lipunang ginagalawan nito. Lahat ng batas, lahat ng tradisyon, lahat ng kaugalian,...

  18. WALA LANG Audio Book: “KULTO-RA”

    Kaibigan, kung nais mo raw maintindihan ang nakaraan, tignan mo ang kasalukuyang sitwasyon. At kung nais mo namang maintindihan ang hinahanarap, tignan mo ang kasalukuyang aksyon. Paano nga ba tayo humantong sa ganito? ...

  19. WALA LANG Audio: “KULTURA NG KURAPSYON”

    Kaibigan, anong kinaaadikan mo ngayon? Huwag kang mag-alala. Lahat tayo, ADIK. ...

  20. WALA LANG Audio Book: “DEEP-REST-YUN”

    Sabi ng mga manggagamot ng kamalayan, may apat daw na tanong upang malaman mo kung bakit tayo nakararanas ng matinding kalungkutan at pagdurusa. Una, kailan ba natin tinigilang sumayaw? Pangalawa, kailan ba natin tinigilang kumanta? ...

  21. WALA LANG Audio Book: “HINDI KA BA NAGTATAKA?”

    Isang araw, sa lugar kung saan nakahimpil ang Buddha, ay may isang taong namuhay na ubod ng relihiyoso. Sinunod nya ang mga dasal, ritwal, at paniniwala ng kinalakihan niyang sekta. Nabuhay siyang may kinikilalang Diyos. ...

  22. WALA LANG Audio Book: “PK”

    Accounting, sa ilalim ng College of Business Administration and Accountancy, ang aking kursong itinuturo. Dito tinatalakay ang mga salitang Journal entry, Debit-Credit, Financial statements, Assets, Liabilities, Income, Expenses, lahat may kinalaman sa BUSINESS. Accounting is the language of...

  23. WALA LANG Audio: “KARERA NG DAGA”

    “Anong trabaho mo?” Yan ang isa sa mga nakagawian nating itanong sa mga bago nating kakilala. Madalas, ito ang ginagawa nating batayan kung paano ba natin sila pakikisamahan. ...

  24. WALA LANG Audio Book: “ANG TATLONG MUKHA NG PAG-IBIG”

    Mayroon daw tatlong mukha ang pag-ibig. Una, yan ang tinatawag nating PUPPY LOVE. Ito ang pag-ibig na may pagka-animal. ...

  25. WALA LANG Audio: “LOVELIFE”

    Isang linggo mula ngayon ay mag-iisang dibdib na kami ni Virginia. Narinig ko ang aking nanay na sinasabihan ang aming kasambahay na Huwebes pa lang daw ay dapat nandito na siya dahil gagawa sila ng salad. Sila ang nag-aabala. ...

  26. WALA LANG Audio Book: “MAMBOBOLA”

    Kaibigan, mahilig ka bang magbasketbol? Lumaki kasi akong BALL IS LIFE eh. Gumigising kami nang maaga noon at dumidiretso na agad sa basketball court. ...

  27. WALA LANG Audio Book: “SABI NG TITSER”

    Kaibigan, sino ang iyong hindi malilimutang titser sa eskwelahan? Minsan may ganyan ano? May mga taong hinding-hindi mo makakalimutan sa buhay. ...

  28. WALA LANG Audio: “HULI KA BALBON”

    Kaibigan, alam mo ba ang ugat ng salitang “school?” Iyan ay nanggaling sa salitang Latin na schola o kaya naman ay sa salitang Griyegong skholena ang ibig sabihin ay lugar kung saan maaari kang maglibang, o kaya naman ay lugar kung saan ka makapagpapahinga. “SCHOOL IS COOL!” ...

  29. WALA LANG Audio Book: “GEOMETRY”

    Third year high school kami noon at kabilang ako sa pinaka magulong seksyon ng aming batch. Isang araw, sa gitna ng aming kaguluhan, ay pumasok ang aming propesor sa Geometry. Hindi siya nagsalita. ...

  30. WALA LANG Audio Book: “WALA KANG ALAM”

    Kung ihihiwalay ko ang mga kwento ng mga niligawan kong babae noong ako’y nag-aaral pa lamang ay masasabi kong iilan lang din pala ang mga eksenang masasabi kong tumatak sa aking puso. Ibig sabihin, kung hindi ko isasama ang kwentong pag-ibig, iilan lang din pala ang maituturing kong mahahalagang...

  31. WALA LANG Audio Book: “KARAKTER”

    Lumaki ako kasabay ang aking mga kapatid, mga pinsan, at iba pang mga batang kalaro. Naranasan pa naming maglaro ng tagu-taguan sa ilalim ng maliwanag na buwan. Naglalaro kami sa kalye at umuuwi nang madungis. ...

  32. WALA LANG Audio Book: “UNANG MEMORYA”

    Kaibigan, ano ang pinaka-una mong memorya? Ano yung pinaka-una mong natatandaang pangyayari sa’yo? Ilang taon ka nun? ...

  33. WALA LANG Audio Book: “ANG LAHAT AY ATING PAMILYA”

    Sa isang mahabang pag-aaral ng Harvard University, inalam nito kung ano nga ba ang pangunahing dahilan o sikreto sa kaligayahan ng tao. Ikaw, ano sa tingin mo ang makapagbibigay-kahulugan at makapaghahatid-kaligayahan sa tao? Sagot: ...

  34. WALA LANG Audio: “PAGITAN”

    Kaibigan, paulit-ulit mong makikita ang mga salitang iyan para lang tumatak sa iyong isipan ang perspekpitibong minsan ka lang mabubuhay. Ang pagitan ng kapanganakan at kamatayan ay ang buhay na ito na ating tinamo. Hindi na tayo mauulit pa. ...

  35. WALA LANG Audio Book: “UOD”

    Naaalala ko ang isang pangyayari kasama ang aking guro. Nasa tabing dagat kami noon sa Quezon, nagpapalipas ng gabi kasama ang iba pang mga tropa. Naparami ata siya ng nainom na alak. ...

  36. WALA LANG Audio Book: “BILANGGO”

    Kaibigan, nakahanda ka na bang mawala? Nakahanda ka na bang mamatay? Kung mamamatay ka ngayon, okay na ba yun? ...

  37. WALA LANG Audio Book: “ANG TATLONG MARKA NG BUHAY”

    Kaibigan, mayroong tatlong marka o tatlong palatandaan ang buhay. Ibig sabihin, hangga’t buhay ka ay mararanasan at mapagtatanto mo ang mga katotohanang ito. ANICCA – DUKKHA - ANATTA ...

  38. WALA LANG Audio Book: “PINTIG”

    Ano ang una at huling marka ng buhay? Ano pinagsimulan at pagtatapusan ng buhay? Ano ang bago at susunod sa buhay? ...

  39. WALA LANG Audio Book: “10 ARAW”

    10 araw na lang bago ang kasal namin ni Virginia. 10 araw na lang pala para matapos ang aklat na ito. 10 araw na lang. ...

  40. WALA LANG Audio Book: “BAGO AKO MAMATAY”

    Mayroon daw tatlong uri ng kamatayan: Una, kapag nalaman mong mamamatay ka. Pangalawa, kapag talagang namatay ka na (namatay ang katawan). At, pangatlo, yung huling pagkakataong may makaka-alaala sa’yo o may sasambit ng iyong pangalan. ...

  41. WALA LANG Audio Book: “KUNG MAMAMATAY KA NA NGAYON”

    Kaibigan, kapag ikaw ay namatay, masusulat sa iyong lapida kasama ng iyong pangalan ang taon ng iyong kapanganakan at ang taon ng iyong kamatayan. BIRTH DEATH Ipinanganak ka, tama ba? Mamamatay ka, hindi ba? ...

  42. WALA LANG Audio Book: “MAMAMATAY KA RIN”

    Kaibigan, ito ang mabuting balita para sa’yo ngayong araw na ito, “MAMAMATAY KA RIN!” Hindi ko alam, pero ang kamatayan ang isa na nga sa pinakamatinding kinatatakutan ng tao. Hindi ko alam, pero mamamatay naman talaga tayo. ...

  43. WALA LANG Audio Book: “WALANG AKSIDENTE”

    Kaibigan, naitanong mo na ba sa iyong sarili kung ano ka kaya o nasaan ka kaya bago ka ipanganak sa mundong ito? Napagmuni-munihan mo na rin ba ang tanong kung ano bang tsansang mabuhay ka at maging ikaw kung sino o ano ka man ngayon? Ano nga ba ang tsansang binabasa mo ang mga salitang ito…

    more
  44. WALA LANG Audio: “NAGMULA SA WALA”

    Naaalala ko nung kami ay nasa kolehiyo, habang naglalakad kami ng tropa ko sa Admin Building, sabi niya, “Saan nanggaling ang mansanas, hindi ba sa buto? Ang buto ay magbubunga ng mansanas na may buto na magbubunga ng mansanas na may buto na magbubunga ng mansanas. Walang katapusan.” Wow! Oo nga...

  45. WALA LANG Audio: “PILOSOPO”

    Kaibigan, sinabi ko sa’yong baliw ako kaya hindi ko talaga alam kung bakit nagpapatuloy ka pa rin sa pagbabasa. Bahala ka ah? Binalaan na kita sa simula pa lang. ...

  46. WALA LANG Audio Book: “BALIW”

    Hindi ko alam kung paano kayo magdiwang ng kapaskuhan sa inyong lugar kaibigan. Kanya-kanya kasi tayo ng kaugalian tuwing sasapit ang ika-25 ng Disyembre. Sabagay, baka nga talagang wala ka ring kakaibang ginagawa sa araw na yan. ...

  47. WALA LANG Audio Book: “DELAY”

    Mahigit isang linggo kong itinigil muna ang pagsusulat. Hindi ko alam. Tinamad ata ako. ...

  48. WALA LANG Audio Book: “SABOG”

    Tayo raw ay mga “SONS AND DAUGHTERS OF THE MOST HIGH.” Mga anak ng pinaka sabog! Kaya lang, sa mundong ito, pwedeng magpakalasing, pero hindi pwedeng magpakasabog. ...

  49. WALA LANG Audio Book: “WALA LANG”

    Ang aklat na ito ay iniaalay ko rin sa aking lolong si Tatay Peping. Jose ang kanyang pangalan. Rizal naman ang pangalan ng kanilang unang anak. Siya ang aking tiyuhing bata pa lang ay agad na ring binawian ng buhay. ...

  50. WALA LANG Audio Book: “ENDGAME”

    Yan ang pinakahuling poste ko sa Facebook bago ako maghibernate. Hindi ko alam, pero kagaya ng dati, may kung anong boses (konsensya) na naman ang nagsasabi na tigilan ko na muna yang social media na yan. Naiinis din kasi si Virginia tuwing makakabasa ito ng mga masasakit na salita para sa akin. ...

Type above to search every episode's transcript for a word or phrase. Matches are scoped to this podcast.

Searching…

We're indexing this podcast's transcripts for the first time — this can take a minute or two. We'll show results as soon as they're ready.

No matches for "" in this podcast's transcripts.

Showing of matches

No topics indexed yet for this podcast.

Loading reviews...

ABOUT THIS SHOW

“Dahil paano mo nga naman lalapatan ng salita ang WALA? Imposible.”

HOSTED BY

Mamemepe

CATEGORIES

Frequently Asked Questions

How many episodes does WALA LANG have?

WALA LANG currently has 93 episodes available on PodParley. New episodes are automatically indexed when they're published to the podcast feed.

What is WALA LANG about?

“Dahil paano mo nga naman lalapatan ng salita ang WALA? Imposible.”

How often does WALA LANG release new episodes?

WALA LANG has 93 episodes. Check the episode list to see recent publication dates and frequency.

Where can I listen to WALA LANG?

You can listen to WALA LANG on PodParley by clicking any episode. We provide an embedded audio player for direct listening, and you can also subscribe via your preferred podcast app using the RSS feed.

Who hosts WALA LANG?

WALA LANG is created and hosted by Mamemepe.
URL copied to clipboard!