PODCAST · comedy
Your Honor
by Chariz Solomon, Buboy Villar
Welcome to the House of Honorables. Hindi ito Senado. Hindi rin ito Kongreso. Pero may hearing din dito. Kada session, may isu-subpoena na celebrity resource persons sina Madam Chariz Solomon at Mr. Buboy Villar para imbestigahan ang kahit anong isyu natin sa life. Lahat papatulan. Walang mahahatulan. Masayang hearing lang. ‘Yan ang Your Honor!New episode drops every Saturday night.This vodcast is produced by GMA Network’s YouLol Originals. Subscribe to @YouLolGMA on YouTube to access all Kapuso comedy content.
Episodes
-
In Aid of Haters: Hayaan o Patulan?
Aminado si Mika Salamanca na may trauma na siya sa subpoena! Pero sa House of Honorables, matapang niyang haharapin ang mga isyu sa kanya: ang aktingan niya sa Hotel 88, ang kanyang Hawaii controversy, at ang hinihintay ng lahat—sila na ba ni Will Ashley? Sumama na sa live session ng Your Honor…
more -
In Aid of Future: Diskarte o Diploma
Session 90. In Aid of Future: Diskarte o Diploma. Si Mikee Quintos, walang ambag sa thesis?! Late magpasa ng plates? Sa kabilang ng hirap, nilaban ni Mikee ang pag-juggle ng kanyang acads at pag-aartista for 10 years. Kayo kaya pumasok sa school nang naka-costume na kambing! Dito sa Your Honor,...
-
In Aid of Goals: ‘Di Ko Na Mapipigilan.
Tuloy-tuloy pa rin ang sakses ng SexBomb Girls, at talagang ‘di mo na sila mapipigilan! Tulad na lang ni SexBomb Mhyca na hindi nagpapigil na sumali sa Sexbomb at 12 years old! Ganun rin si SexBomb Johlan na hindi rin nagpapigil kay Madam Joy kahit may ban sa kanilang pagjo-jowa! Kaya huwag ka…
more -
In Aid of Galawan: How Men Attract Women.
Nice guy na medyo pilyo, plus mala-AOS na dance moves. ‘Yan ang atake ni Rayver pagdating sa mga babae. Hirit tuloy ni Madam Cha: Kaya ba ang bongga ng mga ex mo sa showbiz? Sa bagong hearing ng Your Honor, alamin ang mga galawang Rayver Cruz at kung paano niya napapasayaw ang puso ng mga babae…
more -
In Aid of Long-Term Relationships: No Kasal, No Sakal.
“You’re not married, but you’re staying together?” Umay na umay na si Maureen Larrazabal sa unsolicited comments ng mga tao tungkol sa kanilang 23-year relationship. Pero para sa kanya, ano ba naman ang 23 years kung feeling 18 pa rin ang bewang niya sa kanyang jowa? Kaya ang tanong: tuloy-tuloy…
more -
In Aid of Kasalan: Any Objections?
Sabi ni Baninay, pagpatak niya ng 30 at hindi pa nagpo-propose si Bont, makikipaghiwalay daw siya kahit okay sila. Pero buzzer beater si Bont at nag-propose bago ang deadline. At sa Paris pa! Yayamanin! Pero bago ang kanilang kasal, sigurado na kaya na wala na silang atrasan? Alamin ang kanilang...
-
In Aid of Eksenadora: Ang Pagbabalik ni Miss Flawless.
Miss Flawless kung siya’y tawagin, kaya nga kahit kalaban niya sa politika, gusto siyang gayahin! Pati ang titulo niyang Miss Flawless, may nang-aangkin. Pero mula noon hanggang ngayon, siya’y patuloy na ligawin! Kahit ilang chismis at kontrobersiya ang batuhin, ang record niya ay flawless pa…
more -
In Aid of Twinning: Kambal o Karibal?
Birthday ni MADAM CHA! Kaya bukod sa BFF niyang si Vice Chair Pro Tempore MIKOY MORALES, dadalo rin sa ating hearing rin ang dalawang taong pinakanakakaalam ng kanyang mga sikreto—ang SOLOMON TWINS, FOURTH and FIFTH! Huwag palampasin ang rare sighting ng kambal at ng panlalaglag nila sa ate nila…
more -
In Aid of Red Flag Friends: Ang POV ni Heart (with Heart Evangelista)
Hate ni Heart Evangelista manumpa sa korte, pero handa na siyang humarap sa Your Honor para i-reveal ang kanyang heartbreaks sa mga dati niyang friends. Kaya ngayon, mas gugustihin na lang niyang magpakagat sa garapata kesa magkaroon ng red flag friends. Full of feelings si Heart sa hearing, so...
-
In Aid of Beauty or Brains: Alin ang mas Importante?
Matagal nang tinatanong sa mga beauty pageant kung alin ba ang mas mahalaga: beauty or brains? Kaya once and for all, sasagutin na iyan ni Divine Tetay! At pagdating sa pag-ibig, gumagana pa rin kaya ang kanyang utak kung baliw siya magmahal? At bakit absent si Mr. Vice Chair Buboy? Don’t skip…
more -
In Aid of Senior Moments: Tita Nova at 80.
Nasa tanggapan ng Your Honor ang Goddess of Philippine Comedy, Nova Villa! 80 years old na si Tita Nova pero punong-puno pa rin siya ng energy. Punong-puno rin siya ng baong chika tungkol sa mga leading man niya. Sa ating bagong hearing, ibabahagi niya ang kanyang nakakaaliw na mga senior moments...
-
In Aid of Sexiness: Blessing or Curse.
Sinabihan ng mga magulang ng jowa na porn star. Inirapan ng kapwa babae dahil jinudge na boyfriend stealer. Ito ang mga sumpang naranasan ni Maui Taylor bilang sexy star. Pero excuse me! Edukada siya, hindi pumapatol sa indecent proposal, at higit sa lahat, may wax figure sa STARtista Gallery!...
-
In Aid of Jokes: Bawal Ma-Offend ang Koolpals?
Malakas mang-asar ang mga komedyante, pero paano kung sila na ang inasar? May karapatan din ba silang ma-offend? Depende siguro kung komedyante ka rin tulad ni GB Labrador, o kung bibigyan ka ni Roger Naldo ng "N-word pass." Sinubpoena namin ang KoolPals para sa isang riot at laugh trip na…
more -
In Aid of All-Out Love: Masarap Kapag Sobra.
Lahat ibibigay ni Donita Nose para sa taong mahal niya. Kahit ipag-grocery ang pamilya ng jowa niya, gow! Kahit ibigay niya ang kidney ng kapatid niya, walang problema! Basta, masaya sila. Pero hindi ba masama ang magmahal nang sobra-sobra? Paano kung wala nang matira? Kung ganito ka magmahal…
more -
In Aid of Decisions: Live-in Muna Bago Kasal.
Sinubpoena ang low-key couple na sina Inah de Belen at Jake Vargas para imbestigahan ang kanilang live-in set-up. Mas okay ba talagang mag-live in muna bago ikasal? Totoo bang doon mo makikilala ang ugali ng partner mo? Paano kung laking-may-yaya si girl at nonchalant si boy? Kung curious ka o...
-
In Aid of Marites: Confessions of a Sawsawero.
Sinetch itey?! Sikat na radio DJ na may makulay na buhok ang nagpunta sa House of Honorables para mag-splook ng intriga, blind item at iba pang mga exclusive chika sa showbiz. Huwag na magpahuli, mga marites! Alamin ang mga maiinit na pasabog ni DJ Jhai Ho sa bagong hearing ng Your Honor!…
more -
In Aid of Unfriending: FO Dahil sa Politika?
Soafer solid ang friendship nina Inah Evans at Krissy Achino. Tipong magkasamang mag-ibig sa bar, magsapakan sa gabi, tapos besties ulit pagdating ng umaga. Pero may isang bagay na puwedeng sumubok sa kanilang samahan: politika. Say ni Inah, kapag nangurakot si Kagawad Chino, may totoong sapak...
-
In Aid of Gen Z Love: May Ligawan Pa Ba?
Situationship. Exclusively dating. I like you, you like me, eh ‘di tayo na. Ganito na raw ang dating scene sa mga Gen Z ngayon. Sinubpoena ng Your Honor ang Gen Z love team na sina Sofia Pablo at Allen Ansay para paaminin kung totoo bang hindi na talaga uso sa kanila ang ligawan. At siyempre,...
-
In Aid of GGSS Energy: Unfair ang World sa mga Pangit.
Sa SikSixth anniversary ng YouLOL, bibisitahin tayo ng isang leading man na siksik sa humor at sex appeal, Empoy! At bilang ultimate leading man, paano kaya niya sasagutin ang tanong na—Bakit ang unfair ng mundo sa mga pangit? Abangan kung paano pinakilig ni Empoy si Madam Cha sa napakasuwabeng...
-
In Aid of Politics: Joke Ba ‘To?
Habulan. Iyakan. Sigawan. Laglagan. Revelation after revelation. Gobyerno pa ba ito o teleserye? Kung ang sikat na lawyer at stand-up comedian na si Atty. Ed Chico ang tatanungin, comedy show ang nangyayari sa ating gobyerno. Sa daming nakakainit nang ulo na nangyayari sa politika, itawa muna…
more -
In Aid of Plot Twists: Mina-manifest Ba?
Palakad-lakad lang si Fonz noon sa mga mall in his makapal foundation baka sakaling ma-discover siya ng talent agent. PLOT TWIST! Years later, isa na siyang ganap na artista! Mula sa kanyang mga nakakalokang social media content hanggang sa totoong buhay, usisain natin sa Your Honor kung paano...
-
In Aid of Hotness: Mga Lalaking Maangas.
Init na init na ba kayo?! Naku! Kahit diligan man tayo ni Sang’gre Adamus ngayong hearing, hindi pa rin mapapawi ang hotness at angas ni Kelvin Miranda! Pero hindi lang yan ang dala niyang init! Matitikman rin ng mga scammer ang kanyang nag-aapoy na galit! Kaya maghanda ng pamaypay para sa hot na...
-
EP 69: In Aid of First Love: Ang Mr. Promise Ring ni Sanya
Sabi ng ating Hot Maria Clara, she’s like a kotseng magara, don’t need a mekaniko. Pero teka, mukhang may nagme-mekaniko na sa puso ni Danaya. At may pa-promise ring pa! Kiligin sa never-before-heard first love stories ni Sanya Lopez sa bagong hearing ng Your Honor! Curious kayo sino si Mr.…
more -
EP 68: In Aid of Clapbacks: Patola ang Jusa Niyo!
Pinatulan ni Joy Barcoma ang ating subpoena para depensahan ang kanyang pagiging patola. Mula sa mga bashers, fake news, hanggang pag-ban sa Roblox, hindi nakakaligtas sa kanya. Pati sa mga nagsasabing bully siya, may clapback si Jusa! Juicy! I-click na at panoorin ang mainit pero napakasayang...
-
EP 67: In Aid of Me Time: Solo Adventures ni Miguel
Miguel Tanfelix, na-scam sa Brazil?! Pero imbis na umatras, lalo pang lumakas ang loob ni Miguel mag-adventure mag-isa. Iba ang thrill! Sa bagong hearing ng Your Honor, alamin ang mga adventures ni Miguel at ma-inspire kung bakit minsan kailangan natin mag-me time.#SassaGurl #YourHonor...
-
EP 66 - In Aid of Baklang Kanal: Paano ang Atake?
Iniwan na ba tayo ni Sassa Gurl sa kanal? Ayon sa kanya—never! Certified baklang kanal pa rin siya. Dala-dala ni Sassa ang kakanalan niya mula sa mga panahong nakikipag-riot at umaawra pa siya sa mga constru hanggang ngayon na nakikipag-syala na siya kina Marian Rivera at Nadine Lustre. Asahan…
more -
EP 65: In Aid of Confidence: Pakapalan ng Fez!
Hindi malaman ni Mr. Vice Chair Buboy kung magagandahan o magaguwapuhan ba siya sa mga drag queens na sina Precious Paula Nicole, Viñas Deluxe, at Brigiding. Kasi in and out of drag, very crushable ang Divine Divas, lalong-lalo na sa kanilang pakak na confidence! Nakaipit na nga, magsi-split pa!...
-
EP 64: In Aid of Pagiging Iyakin: Kahinaan Ba?
Our live session is back! May pa-audience ang ating hearing kasama si Sexbomb Sugar Mercado. Ang dating “crying lady” ng 'Eat Bulaga,' ngayon ay Mrs. Universe Official na! Take note: international title! Pak! Ang palaging pinagtitripan ng tukso noon, iyakin pa rin ba hanggang ngayon? Nandito si...
-
EP 63: In Aid of Social Climbing: Hanggang Saan Aakyat?
How To Be Sosyal Rule #1: Bawal lumukot ang mukha kapag tumatawa. Rule #2: Mangulangot sa labas, huwag sa loob. Rule #3— wait, andami namang rules! Ang hirap namang magpakasosyal nang hindi nagmumukhang trying hard! Buti na lang nandito si Poca para tulungan tayong sagutin ang tanong na: Masama…
more -
EP 62 - In Aid of Bromance: Awkward Ba?
Aminadong clingy sa isa’t-isa ang mag-tropang komedyante na sina Abdul at Marsy. Mula sa pep squad, sa paggawa ng content, sa mga raket—pati yata sa mga indecent proposal, dapat magkasama sila! Nag-guwapuhan si Abdul kay Marsy, madalas mag-I love you si Marsy kay Abdul. Kaya sa mismong araw ng...
-
EP 61: In Aid of Big Family: Masaya o Magulo?
Nawindang ang buong bansa nang i-reveal ni AJ Raval na lima na ang anak niya. Pero bakit ang fresh-fresh pa din niya? Ang sikreto - sanay na si AJ sa malaking pamilya. 18 lang naman sila magkakapatid. Yes, 18! Sa bagong masayang hearing ng Your Honor, tuklasin ang kuwento ng napakalaking family...
-
EP 60: In Aid of Being You: It’s Okay To Be OA
Sa sobrang OA ni Xyriel Manabat, pati height niya pinagkadiskitahan. Sa pagka-OA naman ni Esnyr, mula cameo role, naging best friend pa siya ni Belle Mariano. In-OA-han talaga nila ang atake para sumakses. Ikaw, OA ka rin ba? Sa House of Honorables, isang OA na hearing ang magaganap para...
-
EP 59: In Aid of Saying No: Pa-Difficult Agad?!
Kontrabida roles? No! Sex scenes? No! Aminado si Alessandra de Rossi na nasasabihan siyang difficult dahil prangka siyang magsabi ng “no.” Pero pagdating sa family and friends, yes person naman siya. Ikaw, yes person ka ba? O nahihirapan kang humindi? Sa bagong session ng 'Your Honor,' pag-usapan...
-
EP 58: In Aid of Valentine’s: Kailangan ba talaga i-big deal?
First time ni Vince Maristela na walang ka-date ngayong Valentine’s. Si Sean Lucas naman, nakikipag-hangout na lang kasama ang mga tropa niyang single. Hindi na raw big deal sa kanila ang pag-celebrate ng Valentine’s Day. WEH? Sinong niloloko nila? Sa bagong hearing ng Your Honor, alamin natin…
more -
EP 57: In Aid of Adulting: Signs na Hindi ka na Bata
Shookt si Ashley Ortega dahil umabot ng 15K ang kanilang kuryente kahit dalawa lang sila ni Shuvee Etrata sa bahay. Girl, sign ‘yan na adult ka na talaga! Kinakabahan ka na sa bills! Taas-kamay ang mga nakaka-relate at sumama na sa hearing tungkol sa mga nakaka-stress na moments sa adulting life....
-
EP 56: In Aid of Sexbomb: Mga Sexy Mong Tita
Nasa tita era na ang Sexbomb Girls pero kabog na kabog pa rin sila! Samahan sa hearing sina Mia Pangyarihan at Sunshine Garcia na kahit aminadong amoy liniment oil, adik sa milk tea, at suki sa shabu-shabu ay sexy pa rin. Dahil para kina Mia at Sunshine, iba na ang pagiging sexy sa tita era. Kung...
-
EP 55: In Aid of 2026: Mga Hula ni Rudy Baldwin
Mula sa love life ni Barbie Forteza hanggang sa future ni Carla Abellana, may hula si Madam Rudy Baldwin. Sabi ni Madam, “bloody year” daw ang 2026. Gaano kaya ka-bloody!? Alamin ang kanyang mga babala at predictions sa ating bansa at sa mga kilalang showbiz personalities dito sa special hearing…
more -
EP 54: In Aid of Micro-Cheating: Break na ba Agad?
Nagla-like siya sa sexy photos ng iba. Gumagamit siya ng dating app. Nakikipag-chat siya sa iba. At may flirtatious vibe pa sa kausap. Nago-overthink ka lang ba o may malisya talaga si jowa? Micro-cheating ang tawag ng iba sa ganitong galawan. Pero sapat na ba ito para makipaghiwalay?…
more -
EP 53: In Aid of K-Love: Paano Magmahal ang mga Oppa?
‘Yung mga Korean guys, totoo bang suplado pero pasimpleng sweet kagaya sa K-Drama? Totoo bang may pa-piggyback ride sila kapag tipsy si girl? Eh ‘yung pagshi-share ng payong habang umuulan? Parang ang sarap magmahal ng mga Koreano! Pero true ba ang mga ito o eksena lang? Iko-confirm ni Dasuri…
more -
EP 52: In Aid of Trying: Ante Maloi! Stop Na Ba Ako?
Sabi nila, try and try until you succeed. Pero paano kung hindi ka talaga sumakses? Real talk tayo sa session na ito dahil minsan may mga goals talaga na napakahirap ma-achieve. Sinubpoena namin ang 2025 Top New Solo Podcaster sa Spotify na si Sophie Prime para pag-usapan ito at sagutin ang…
more -
EP 51: In Aid of Christmas: Mga Dapat I-Ban sa Pasko
Tuwing Pasko, pet peeve ni Euleen Castro ang makatanggap ng tuwalya sa exchange gift—kasi hindi kasya! Si Kevin Montillano naman, may kondisyon bago magbigay ng aguinaldo—dapat alam mo ang SSS number niya! Masaya dapat ang Pasko, pero aminin, may mga bagay talagang kuhang-kuha ang gigil mo. Kaya...
-
EP 50: In Aid of Co-Parenting: It’s Complicated! (with guest Kylie Padilla)
No filter sa pag-share si Kylie Padilla ng kanyang mga struggles sa co-parenting. May juicy revelations pa! Mula sa hatian sa oras, pera, at pagdidisiplina – idagdag mo pa ang hugot ng mag-ex sa isa’t-isa – lahat ito pinagdaanan ni Kylie. Kaya maki-chika na sa live session ng Your Honor!...
-
EP 49: In Aid of Handling Bashers: Andaming Mema! (with guest Paolo Contis)
ONE YEAR na tayo, mga Honorables! At para i-celebrate ang ating anniversary, may LIVE hearing ang Your Honor. Napaka-juicy ng ating iimbestigahan dahil maglalabas ng saloobin ang ating resource person na si Paolo Contis sa mga bashers. Ang mga mema sa mundo, dapat ba nating hatulan, patulan, o...
-
EP 48: In Aid of Money Problems - Nakakasira o Nakakatibay ng Relasyon? (with Lovely Abella and Benj Manalo)
Akala ni Lovely Abella na mayaman si Benj Manalo bagong naging sila dahil anak siya ni Jose Manalo. Pero mali pala siya. Kaya napatanong si Lovely: papakasalan ko ba talaga ‘to? Marami na silang pinagdaanang money problems, kaya sila ang ating tatanungin: kailan nakakasira at kailan nakakatibay…
more -
EP 47: In Aid of Handling Bullies - Patol o Dedma (with guest Pipay)
Pinatibay ng bullies ang ating resource person, ang sikat na comedian at influencer na si Pipay. Imbes na magtanim ng galit, ginamit niya ang panlalait bilang sandata sa pagpapatawa. Pero ano ba talaga ang magandang atake sa bullies? Dapat ba silang patulan o dedmahin? Pakinggan ang hatol ni…
more -
EP 46: In Aid of Sex Appeal: Basta Dancer, Sexy Lover (with guest Sexbomb Jopay and Aira)
GET! GET! AAAW! Kung pinalaki ka ng SexBomb, para sa’yo ang hearing na ‘to. Sa kanilang 40s, laban na laban at hindi pa rin bumabawi sina SexBomb Aira at SexBomb Jopay hindi lang sa talent, kung 'di pati sa sex appeal! Iba pa rin talaga ang karisma ng mga dancer na ito! Kaya pati ang mga partner...
-
EP 45: In Aid of Face Value: Umasal ayon sa Ganda (with guest Susan Enriquez)
“Ganda ka teh?” Eh sino bang nagsabi na magaganda lang ang pinagpala? Sanay na sanay na si veteran journalist at TV host Susan Enriquez sa harap ng kamera pero kahit siya ay hindi nakaligtas sa bashers ng kanyang face card. Pakinggan ang hatol ni Mommy Su sa mga judgmental sa bagong hearing ng…
more -
EP 44: In Aid of Halloween: Totoong Horror Stories
Parehong bukas ang third eye nina Madam Cha at Buboy. Bata pa lang si Chariz, nakakakita na siya ng mga multo at elemento. Si Buboy naman, hinatak ang paa! Kasama sina Theophilus at Gabriella Barrios ng 'Paranormal Philippines,' iimbestigahan sa hearing ang mga totoong kuwentong kababalaghan....
-
EP 43: In Aid of Main Character: Mga Kontrabidang Bida-bida (with guest Baus Rufo)
Main character. Pabibo. Jollibee. Agaw-eksena. Ilan lang ito sa mga salitang ibinabato natin sa mga taong pabida. May kilala ka bang ganito? For sure, meron! Kasama ang trending comedian at podcaster na si Baus Rufo, sagutin natin ang tanong: kontrabida ba talaga ang mga bida-bida? Tara…
more -
EP 42: In Aid of Alien: Ang Dating Doon Reunion (with guests Caesar Cosme, Isko Salvador, & Chito Francisco)
Nasa Your Honor ang OGs ng comedy! Tanungin natin ang iconic comedy trio ng Ang Dating Doon tungkol sa mga isyu ng mga woke. At sa kanilang reunion, alamin kung paano nagsimula ang Bubble Gang 30 years ago. Mapapa-raise the roof ka talaga sa kakatawa! Alien? ALIEN! #AngDatingDaan #CaesarCosme...
We're indexing this podcast's transcripts for the first time — this can take a minute or two. We'll show results as soon as they're ready.
No matches for "" in this podcast's transcripts.
No topics indexed yet for this podcast.
Loading reviews...
ABOUT THIS SHOW
Welcome to the House of Honorables. Hindi ito Senado. Hindi rin ito Kongreso. Pero may hearing din dito. Kada session, may isu-subpoena na celebrity resource persons sina Madam Chariz Solomon at Mr. Buboy Villar para imbestigahan ang kahit anong isyu natin sa life. Lahat papatulan. Walang mahahatulan. Masayang hearing lang. ‘Yan ang Your Honor!New episode drops every Saturday night.This vodcast is produced by GMA Network’s YouLol Originals. Subscribe to @YouLolGMA on YouTube to access all Kapuso comedy content.
HOSTED BY
Chariz Solomon, Buboy Villar
CATEGORIES
Loading similar podcasts...