Baliwag Bible Christian Church [sermons] podcast artwork

PODCAST · religion

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish gospel-centered resources like ebooks, study guides and articles, please visit our website, treasuringchristph.org.

Publisher-supplied feed metadata · PodParley refreshed Jun 11, 2026 · Source feed

  1. 308

    Genesis 10 • Ang mga Bansa

    Kung tutuusin kaya namang gawin ng Diyos ang lahat ng layunin niya para sa buong mundo without your help. Pero gusto ng Diyos, kasali ka, kasali ako, kasali ang church natin. Panahon na para lawakan natin ang pananaw at ambisyon natin sa buhay dahil ang Diyos natin ay Diyos na saklaw ang buong mundo, ang buong kasaysayan.

  2. 307

    Genesis 9 • Ang Pagpapala (at Sumpa)

    Ang tunay at pinakamalaking problema ng tao ay hindi baha o bagyo o anumang problema sa pamilya, kundi ang kasalanang nasa puso natin. Sa kabila ng hatol sa panahon ni Noah, nananatiling tapat ang Diyos sa kanyang tipan. Sa dugo ni Cristo, ang sumpa ay napawi at ang pagpapala ng bagong paglikha ay dumadaloy sa atin.

  3. 306

    Genesis 8 • Ang Paghihintay

    Paano kung matagal pang darating ang hinihintay mo? Sa sermon na ito, susuriin natin ang kuwento ni Noah sa Genesis 8—mula sa loob ng barko hanggang sa paglabas niya matapos ang halos isang taong paghihintay. Malalaman natin kung bakit hindi kinalimutan ng Diyos si Noah, at kung paano tayo matututong magtiwala, magtiis, at sumamba habang naghihintay tayo sa mga pangako ng Diyos sa ating buhay.[apologies for low quality audio, due to some technical difficulties]

  4. 305
  5. 304

    Genesis 7:6-24 • Ang Pagdating ng Baha

    Mahalagang paghandaan ang pinakamahahalagang pangyayari sa buhay—ang pagbabalik ni Jesu-Cristo. Sa kuwento ni Noah at ng pagdating ng baha, ipinapakita ang pagiging tapat at makapangyarihan ng Salita ng Diyos. Kaya kailangan ang personal na pananampalataya, pagsisisi, at pagtulong sa iba na maunawaan ang kaligtasan kay Cristo, dahil napakahalaga ang paghahanda sa siguradong darating na paghatol ng Diyos.

  6. 303

    Genesis 6:9-7:5 • Ang Paghahanda

    Tungkol saan o tungkol kanino ba talaga ang kaligtasan? Hindi tungkol sa iniligtas, kundi tungkol sa nagligtas. Ni hindi nga nagsalita si Noah sa kuwentong ito. Ang Diyos ang nagsasalita. Ang Diyos ang nagpaplano. Ang Diyos ang nagsasakatuparan ng plano. Ang Diyos ang nag-uutos. Ang Diyos ang humahatol. Ang Diyos ang nagpaparusa. Ang Diyos ang nagliligtas. Ang Diyos ang makatarungan, mahabagin, at malayang pumili kung sino ang ililigtas niya.

  7. 302

    Genesis 6:1-8 • Ang Lawak ng Kasamaan ng Tao

    Ang problema naman nating mga Kristiyano, meron nga tayong tamang pagtingin sa maraming bagay, pero maliit pa rin kung ikukumpara sa kung ano ang nais ng Diyos. Maliit ang tingin natin kay Cristo at sa ating kaligtasan dahil maliit ang tingin natin sa kasalanan. Sa sarili nating kasalanan, maliit ang tingin natin. Pero sa kasalanan ng iba, mas malaki ang tingin natin. At, maliit ang tingin natin sa kasalanan dahil maliit ang tingin natin sa Diyos.

  8. 301
  9. 300

    Genesis 5 • Ang Haba Ng Buhay

    Ang lahat ng nakay Adan ay mamamatay, gaano man kahaba ang ating buhay. Ngunit ang lahat ng nakay Cristo, sa pamamagitan ng pananampalataya, ay may buhay na walang hanggan kasama ang Diyos, gaano man kahirap ang maging buhay natin sa mundong ito.

  10. 299

    Genesis 4:16-26 • Ang Mga Tatay

    Isang napakalaking trahedya kung lalayo tayo sa Diyos because he is our highest good. Malaki ang awa niya sa mga makasalanang lumalapit sa kanya. Instead of walking away from the presence of God, ang dapat nating gawin ay lumapit sa Diyos na mayaman sa awa. 

  11. 298

    Genesis 4:1-16 • Ang Pagpatay

    Paano nagpapakilala ang Diyos sa Genesis 4? Makatarungan siya kung humatol. Maawain pa rin siya sa kanyang paghatol sa ating mga makasalanan. Ipapamukha niya sa atin ang kaseryosohan ng kasalanan natin at ang terrible consequences nito at ang mas malalang trahedyang naghihintay sa sinumang nagpapatuloy sa kasalanan. At ang greatest tragedy? Ang mahiwalay sa presensya ng Diyos forever. Sa habag ng Diyos, siya rin ang gumawa ng paraan para tayo makabalik sa kanya sa pamamagitan ni Cristo.

  12. 297

    2 Corinthians 2:5-11 • Restoration Through Grace (Aldrin Capili)

    Sa 2 Corinthians 2:5–11, tinuruan ni Pablo ang iglesia kung paano mag‑respond sa isang kapatid na nagkasala pero ngayon ay nagsisisi na. Oo, mahalaga ang church discipline—pero hindi ito nagtatapos sa parusa. Ang tunay na layunin nito ay restoration.Sa mensaheng ito, tinitingnan natin kung paano:- Patawarin ang nagkasala- Palakasin ang loob ng nagsisisi - Ibalik siya sa pagmamahal ng iglesia - Bantayan ang ating puso laban sa schemes ni SatanasAng biyaya ng Diyos ay hindi lang para sa pagwawasto, kundi para sa pagbabalik. Ang iglesia ay tinawag hindi lang para mag‑discipline, kundi para magpatawad at mag‑restore.“Forgive, comfort, and reaffirm your love.” Ito ang puso ng Diyos para sa kanyang mga anak.

  13. 296
  14. 295

    Genesis 3:14-24 • Ang Paghatol

    Ang Diyos ba ay Diyos ng katarungan? Na dahil siya’y banal ay hindi niya palalampasin ang kasalanan, ipapataw ang parusang nararapat dito? Of course. Ang Diyos ba ay Diyos ng kahabagan? Na meron siyang awa para patawarin ang mga makasalanan at magkaroon ng buhay sa halip na kamatayan? Yes. Pero merong dilemma. Kung ang Diyos ay Diyos ng katarungan at paparusahan niya ng kamatayan ang tao sa Genesis 3, wala nang matitirang tao. Paano na yung plano niya na punuin ang buong mundo ng mga taong dala-dala ang larawan niya? Kung ang Diyos naman ay Diyos ng awa, at buburahin na ang kasalanan ng tao, paano na ang kabanalan at hustisya niya? Pwede bang parang alikabok ‘yan na wawalisin at ilalagay na lang sa ilalim?

  15. 294
  16. 293
  17. 292

    Genesis 3:1-13 • Ang Pagbagsak

    Ang kuwento ng Genesis 3:1-13 ay hindi lang kuwentong katulad ng kuwento ng buhay natin, hindi lang kuwentong nagpapaliwanag ng kuwento ng buhay natin ngayon, kundi ito rin ang kuwentong bahagi ng buhay natin dahil tayong lahat ay nagmula kay Adan. Hindi ito legend o mythology o simple life illustration. Ito ay makasaysayang kuwento na kinapapalooban ng kuwento ng buhay ng lahat ng tao. Ganyan kahalaga ang kuwentong ito.

  18. 291
  19. 290
  20. 289

    Genesis 2:1-3 • Ang Pahinga

    [Walang kuryente sa church namin during this time. Meron lang rechargeable na speaker na gamit. Check this post: https://web.facebook.com/share/p/18drxCEKgw/].Sa Diyos lang natin matatagpuan ang tunay na kapahingahan—sa pamamagitan ni Cristo na ating Tagapagligtas, ang ating tunay na kapahingahan. Kaya, alalahanin mong sa gawa ng Diyos hindi sa gawa mo nakasalalay ang lahat sa buhay natin, alalahanin mong tatapusin ng Diyos ang gawang sinimulan niya dahil sa natapos nang gawa ni Cristo sa krus para sa ‘yo, at alalahanin mong ang kapahingahang hanap mo ay kay Cristo mo lang matatagpuan, at wala nang iba.

  21. 288

    Genesis 1:26-31 • Ang Tao

    Ang paglikha ng Diyos sa Genesis 1 ay nagkaroon ng greater fulfillment sa new creation na isinilang sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesus. Anumang kaguluhan o disorder o chaos o hindi pa ayos sa buhay natin ngayon, we look forward to that day na tayo rin ay muling bubuhayin na tulad ni Cristo.

  22. 287

    Genesis 1:3-25 • Ang Nilikha

    Ito ang mga maoobserbahan natin sa Genesis 1: (1) Maayos ang paglikha ng Diyos; (2) Makapangyarihan ang salita ng Diyos; (3) Malawak ang kaharian ng Diyos; at (4) Mabuti ang lahat ng gawa ng Diyos. O ayon sa sagot ng New City Catechism sa ikalimang tanong tungkol sa nilikha ng Diyos: “Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang Salita, at ang lahat ng nilikha niya ay napakabuti; at ito ay nagbunga (flourished) sa ilalim ng kanyang mapagmahal na pamamahala.”

  23. 286

    Genesis 1:1-2 • Ang Diyos

    Merong simula ang lahat. Merong Diyos bago pa ang simula. Merong Diyos na lumikha sa lahat. Merong hindi pa tapos, oo, pero merong Diyos na kumikilos. So? Makakaasa tayo na ang Diyos—na walang simula at walang katapusan at lumikha ng lahat—ang siyang tatapos ng sinimulan niya.

  24. 285
  25. 284

    1 Corinthians 15:58 • Steadfast Together

    Itinuturo sa atin ng 1 Corinthians 15:58 na hindi lang basta to be steadfast individually, but to be steadfast together as a church. Sama-sama, hindi kanya-kanya. Sasagutin natin ang tatlong tanong: (1) Who needs to be steadfast together?; (2) What does it mean to be steadfast together?; (3) How will we remain steadfast together?

  26. 283
  27. 282
  28. 281
  29. 280
  30. 279
  31. 278
  32. 277
  33. 276

    Psalm 119:113-120 • I Hope in Your Word

    Paano nakakaapekto ang mga kasamaang nasa paligid natin sa damdamin natin sa salita ng Diyos? Magiging malamig ang puso mo sa salita ng Diyos. Nababawasan ang pagpapahalaga. Nababawasan ang tiwala sa pangako ng Diyos. Nagiging ordinaryo na lang ang salita ng Diyos na para bang salita rin ng tao. Kaya dito sa Psalm 119:113–120 matututunan natin kung paano magkaroon ng mas malalim na pagmamahal, pagtitiwala, at pagkatakot sa salita ng Diyos sa kabila ng mga kasamaan sa paligid natin.

  34. 275

    Psalm 119:105-112 • The Joy of My Heart

    Hindi lang sa pagpasok ng bagong taon, kundi sa bawat bahagi ng buhay natin ay kailangan natin ang tulong na nanggagaling sa salita ng Diyos, lalo na sa mahihirap na bahagi ng buhay natin. Ito yung ipapahayag ng psalmist sa Psalm 119:105–112 tungkol sa salita ng Diyos habang sinasabi rin niya with all honesty ang hirap na nararanasan niya.

  35. 274

    Acts 1:8; 2:42-47 • Pinuspos ng Espiritu, Pinag-isa kay Cristo (Marlon Santos)

    Ang Iglesya na “Pinuspos ng Espiritu at Pinag-isa kay Cristo” ay nakikilala sa pananatili at tapat na pagtatalaga sa Salita ng Diyos, tunay na pakikisama at pagmamalasakit sa isa’t isa, pagsamba na may kagalakan at paggalang, pamumuhay na may pagkamangha sa kapangyarihan ng Diyos, at paglago sa ebanghelyo na Siya mismo ang nagbibigay.Kaya bilang mga churches, tayo’y patuloy na hinahamon at pinaaalalahanan na manatiling tapat sa Salita, magmalasakit sa isa’t isa, sumamba nang may tunay na kagalakan, at mamuhay bilang saksi ni Cristo sa kapangyarihan ng Espiritu hanggang sa Kanyang pagbabalik.

  36. 273

    Ephesians 5:22-33 • Si Cristo at ang Iglesia

    “Ang pag-aasawa ay hindi lamang gawa ng tao, na pwedeng baguhin ayon sa kaugalian ng lipunan. Ito ay likha ng Diyos, na nilikha upang ipakita sa ating isipan ang kagandahan ng Tagapagligtas na kusang nag-alay ng sarili para sa kanyang kasintahan (bride), at ng kasintahan na buong pasasalamat na ibinabalik ang sarili sa kanya” (Ray Ortlund).

  37. 272

    Ephesians 5:7-14 • Paglakad sa Liwanag

    Heto ang gusto ng Diyos na matutunan natin ngayon sa pamamagitan ng bahaging ito ng sulat ni apostol Pablo: Sa halip na tayo’y makibahagi sa mga gawain ng mga di-Kristiyano (mga gawa ng kadiliman), dapat na tayo’y ‘wag matitinag na magpatuloy na mamuhay ayon sa liwanag at maging matapang na ilantad ang mga gawa ng kadiliman sa liwanag ni Cristo.At para mas maging personal sa atin ang application nito, kailangang matutunan natin ang dalawang bagay: gospel-driven confession at gospel-exposing confrontation.

  38. 271

    Ephesians 5:22-33 • Si Cristo at ang Mag-asawa

    Sa halip na maging “cultural” yung view natin sa pag-aasawa (masyadong naimpluwensiyahan ng nakasanayan ng mga tao sa paligid natin), prayer ko na ito ay maging “biblical” (hinuhubog kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos). Sa halip na maging “transactional” (yung trato natin sa asawa natin na nakadepende sa trato nila sa atin, magiging faithful tayo kung faithful sila sa atin, pero kung hindi, bahala ka na), prayer ko na ito ay maging “transformational” (o gospel-driven, nakadepende sa gospel, o sa ginawa ni Cristo para sa atin).Ang pangunahing tanong na sasagutin dito ni Paul ay: Paano tayo dapat makitungo sa asawa natin sa paraang consistent sa bagong pagkatao natin na nakipag-isa kay Cristo?

  39. 270

    Ephesians 5:1-6 • Paglakad sa Pag-ibig

    Ang buhay Kristiyano ay ang pamumuhay nang may paglago sa pag-ibig. Paano tayo lalago sa pagmamahal? Ang pagmamahal ng Diyos ay dapat nating tularan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Ang anumang karumihan ay dapat nating talikuran. Ang kaparusahan ng Diyos ay dapat nating katakutan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Hindi lang ito sa sarili mong paglago sa kabanalan. We have to realize na may responsibilidad tayo na tulungan ang bawat isa sa ganitong paglago.

  40. 269

    Hebrews 11:32-40 • Dahil sa Pananampalataya Part 4 (Marlon Santos)

    Ang pananampalataya ay hindi lang para sa mga victories, kundi para rin sa pagtitiis sa gitna ng hirap. Sina Gideon, Barak, Samson, Jephthah, David, Samuel, at ang mga propeta ay ginamit ng Diyos para sa extraordinary victories dahil sa pananampalataya. Marami ring dumanas ng torture, pagkakulong, at kamatayan, ngunit nanatiling tapat sa Diyos. Ang tunay na pananampalataya ay hindi nakabase sa immediate success, kundi sa eternal reward na ipinangako ng Diyos. Faith perseveres through both triumphs and trials, looking forward to God’s better promises. Kahit hindi nila natanggap ang buong katuparan sa buhay na ito, nanalig sila sa Diyos na tapat.

  41. 268

    1 Timothy 3:14-16 • Ang Haligi at Saligan ng Katotohanan

    Ang iglesia ay tinawag na haligi at saligan ng katotohanan (1 Timoteo 3:14–16). Bilang haligi at saligan ng katotothanan, ang iglesia ang nagbabantay at nagtataguyod ng katotohanan ng ebanghelyo. Si Cristo mismo at ang kanyang ginawa sa krus para sa ating kaligtasan ang sentro ng katotohanang ito. Dahil ang pananampalataya ng iglesia ay nakaugat sa katotohanan ni Cristo, dapat natin itong ipahayag, ipagtanggol, at ipamuhay.

  42. 267

    Hebrews 11:23-31 • Dahil sa Pananampalataya Part 3 (Ralph Blanes)

    Sa sermon na ito, tinutukan ang pananampalataya bilang driving force ng mga desisyon at tagumpay ng mga lingkod ng Diyos. Faith empowers believers to make bold choices, endure trials, and experience God’s deliverance. Kahit mahirap o risky, ang pananampalataya ay nagbubunga ng pagsunod at tagumpay.

  43. 266

    Hebrews 11:8-22 • Faith that Works (Aldrin Capili)

    Sa sermon na ito, binigyang-diin na ang tunay na pananampalataya ay hindi lang paniniwala, kundi may kasamang pagsunod at pagtitiis. Ginamit ang Hebrews 11:8–22 para ipakita ang journey ng mga patriarchs na nagtiwala sa Diyos kahit hindi nila nakita agad ang katuparan ng kanyang mga pangako. Faith works when it obeys, endures, and looks forward to God’s promises. Kahit uncertain ang future, ang pananampalataya ay nagiging matibay dahil nakatingin ito sa Diyos na tapat.

  44. 265
  45. 264

    Ephesians 5:15-21 • Paglakad sa Karunungan

    Sa kasamaan ng panahong kinalalagyan nating mga Kristiyano ngayon, mas lalo nating kailangang maging wais at hindi foolish, na mangyayari kung inuunawa nating mabuti at maingat na sinusunod ang kalooban ng Panginoon ayon sa pangunguna ng Banal na Espiritu. 

  46. 263

    Ephesians 4:25-32 • Ang Bagong Buhay kay Cristo (Part 2)

    Ang maging katulad ni Cristo sa mga taong nakasakit sa atin ay hindi madali. Sa katunayan, imposible ito para sa atin. Pero dahil naranasan natin mismo ang kabutihan at kapatawaran ng Diyos kay Cristo, nagiging posible ito. Ito ang tinatawag na gospel-motivated transformation. So, ano motivation na dapat meron tayo dito? Pansinin natin kung paano inangkla ni Pablo ang exhortation na ito sa ebanghelyo: “…gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Cristo.” Ganito rin natin dapat mahalin ang iba: “as Christ loved us and gave himself up for us” (Eph. 5:2). Ito ang pinaka-powerful na motivation natin sa sanctification—ang kapangyarihan ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo. Nahihirapan tayong magpatawad at maging mabuti sa iba dahil nakakalimutan natin ang kaligtasang tinanggap natin by grace alone.

  47. 262

    Ephesians 4:17-24 • Ang Bagong Buhay kay Cristo (Part 1)

    Itinuturo sa atin ni Pablo sa vv. 17-24 ng Ephesians 4 ang ganito: Nang matutunan natin ang katotohanang nakay Cristo, nagkaroon na tayo ng bagong pagkatao; kaya dapat lang na iwanan na natin ang ating dating pamumuhay at ipamuhay ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Nakilala na natin ang tamang daan. Wala na tayo sa dating daan, kaya dapat na magpatuloy tayo sa bagong daan. Ito ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Ito ba ang naglalarawan ng buhay mo ngayon?

  48. 261

    Ephesians 4:15-16 • Sama-sama sa Paglago

    Dahil sa iba’t ibang unbiblical views tungkol sa buhay Kristiyano at tungkol sa kahalagahan ng paglagong Kristiyano, mahalagang sagutin sa Ephesians 4:15–16 ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang mangyayari kung hindi tayo lalago? 2. Ano ang paglagong Kristiyano? 3. Gaano kahalaga si Cristo sa paglagong Kristiyano? 4. Gaano kahalaga ang church sa paglagong Kristiyano? 5. Ano ang layunin natin bilang mga miyembro ng church? 6. Ano ang kailangan nating gawin para sama-sama tayo sa paglago?

  49. 260

    Ephesians 4:7-14 • Strengthened by Grace for Gospel Growth (Jared Garcia)

    Ang mensaheng ito ay nagpapaalala na ang church mismo ay biyaya ng Diyos para sa ating paglago sa gospel. Si Cristo ang source ng lahat ng biyaya—para sa kaligtasan at sa pang-araw-araw na lakas na kailangan natin. Binigay niya ang mga church leaders para i-equip ang mga members, at ang bawat member naman ay tinawag para maglingkod at magtulungan. Kapag lahat ay gumagawa ng bahagi nila, ang resulta ay unity, maturity, at paglago kay Cristo. Pero kung walang growth, madaling matangay ng maling katuruan. Kaya’t ang bawat isa—leaders at members—ay mahalaga sa pagpapalakas ng buong katawan ni Cristo. *Preached by Jared Garcia, of Pines City Baptist Church in Baguio City, during the 39th Anniversary Worship Celebration of Baliwag Bible Christian Church

  50. 259

    Ephesians 4:1-6 • Pagkakaisa sa Espiritu

    Merong isang Diyos, merong isang gospel, merong isang church—kaya dapat na nagkakaisa ang church. Hindi tayo ang lumilikha ng pagkakaisang ito; binabantayan natin at pinagyayaman natin ang pagkakaisang ito sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga katangiang katulad ni Cristo. Ito ang klase ng pamumuhay na consistent sa gospel na pinaniniwalaan natin. Ito ang mensahe ng Ephesians 4:1-6.

Type above to search every episode's transcript for a word or phrase. Matches are scoped to this podcast.

Searching…

We're indexing this podcast's transcripts for the first time — this can take a minute or two. We'll show results as soon as they're ready.

No matches for "" in this podcast's transcripts.

Showing of matches

No topics indexed yet for this podcast.

Loading reviews...

ABOUT THIS SHOW

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish gospel-centered resources like ebooks, study guides and articles, please visit our website, treasuringchristph.org.

HOSTED BY

Treasuring Christ PH

Frequently Asked Questions

How many episodes does Baliwag Bible Christian Church [sermons] have?

Baliwag Bible Christian Church [sermons] currently has 50 episodes available on PodParley. New episodes are automatically indexed when they're published to the podcast feed.

What is Baliwag Bible Christian Church [sermons] about?

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish gospel-centered resources like ebooks, study guides and articles, please visit our website,...

How often does Baliwag Bible Christian Church [sermons] release new episodes?

Baliwag Bible Christian Church [sermons] has 50 episodes. Check the episode list to see recent publication dates and frequency.

Where can I listen to Baliwag Bible Christian Church [sermons]?

You can listen to Baliwag Bible Christian Church [sermons] on PodParley by clicking any episode. We provide an embedded audio player for direct listening, and you can also subscribe via your preferred podcast app using the RSS feed.

Who hosts Baliwag Bible Christian Church [sermons]?

Baliwag Bible Christian Church [sermons] is created and hosted by Treasuring Christ PH.
URL copied to clipboard!